Sign up to save your podcasts
Or

MABUTING BALITA | Pebrero 7, 2021 – Ikalimang sa Karaniwang Panahon
EBANGHELYO: MARCOS 1:29-39
Pagkaalis niya sa sinagoga, tumuloy si Jesus sa bahay nina Pedro at Andres, kasama sina Jaime at Juan. Doo’y nakahiga ang biyenan ni Pedro at may lagnat, at agad nila itong sinabi kay Jesus. Kaya lumapit siya, hinawakan ito sa kamay at ibinagon. Iniwan ng lagnat ang babae at ito mismo ang naglingkod sa kanila. Pagkalubog ng araw, nang dumidilim na, dinala nila kay Jesus ang lahat ng maysakit o inaalihan ng masamang espiritu. Nasa may pintuan nga ang buong bayan. Maraming may ibat-ibang sakit ang pinagaling ni Jesus at maraming demonyo ang kanyang pinalayas; ngunit hindi niya sila pinahintulutang magsalita sapagkat alam nila kung sino siya. Kinabukasan, maaga siyang bumangon at umalis. Pumunta siya sa isang ilang na lugar at doon siya nanalangin. Hinanap siya nina Pedro, at pagkakita sa kanya ay kanilang sinabi: “Hinahanap ka ng lahat.” “Tayo na sa ibang lugar, sa maliliit na karatig-nayon para makapangaral din ako roon; dahil dito kaya nga ako lumabas.” At naglibot siyang nangangaral sa kanilang mga sinagoga sa buong Galilea at nagpalayas ng mga demonyo.
PAGNINILAY:
Tunay ngang nakamamangha ang mga ginawang pagpapagaling ni Hesus sa mga may sakit tulad sa biyenan ni Simon Pedro. Marami ang nagsinunod at hindi magkamayaw sa paghahanap sa kanya. Oo nga’t nakamamangha ang kanyang mga ginawa at marami ang gumaling ngunit hindi ito ang tunay na pakay ni Hesus. Sa bawat mabubuting gawa ni Hesus, ang tunay na nais niya ay ang mapakinggan nawa nila ang kanyang salita. Ang nais ni Hesus ay mapagaling sila hindi lamang sa kanilang sakit sa pisikal na katawan kundi higit sa lahat sa kanilang buong pagkatao. Balewala ang pagpapagaling at mga milagro ni Hesus kung walang pagsunod sa kanyang mga sinasabi. Hindi nagtatapos sa mga milagro at mga pagpapagaling ang mga ginawa ni Hesus kundi ito ay isang paanyaya ng pagsisimula ng pagbabagong buhay, pagbabalik-loob sa Diyos. Tulad ng isang doktor na nagpapayo sa kanyang pasyente pagkatapos nito gumaling, gayundin ang nais ni Hesus sa ating lahat: ang makinig at isabuhay ang kanyang mga payo at mga utos upang makaiwas sa anumang sakit dulot ng ating pagkakasala. Kung gusto mo gumaling sa iyong mga masasamang nararamdam at mga sakit dulot ng iyong pagkakasala, marapat lamang na makinig sa sinasabi ni Hesus. Madalas ang ating mga sakit at pagkakasala ay dulot ng ating pagiging matigas ang ulo at hindi pagsasabuhay ng kanyang mga turo at salita. Sabi nga sa Proverb 4:22,” The word of God is life to those who find them, to man’s whole being they are health.” – Rev. Fr. Micha Miguel Competente, SSP (Society of St. Paul)
PANALANGIN:
Panginoon, bukod sa ating mga karamdaman at mga sakit, hipuin mo rin nawa ang aking puso at isipan upang araw-araw kong mapakinggan ang iyong salita at sa gayon makaranas ako ng tunay at ganap na kagalingan.
By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province5
11 ratings