Sign up to save your podcasts
Or

Mabuting Balita | Pebrero 7, 2022 – Lunes
Lunes sa Ikalimang Linggo sa Karaniwang Panahon
EBANGHELYO: MARCOS 6:53-56
Pagkatawid ni Hesus at ng kanyang mga alagad, dumating sila sa pampang ng Genesaret at doon nila isinadsad ang bangka. Paglunsad nila ng bangka, nakilala si Hesus ng mga tagaroon at patakbo nila itong ipinamalita sa lupaing iyon. Kaya dinala nila ang mga maysakit na nasa higaan kung saan nila mabalitaang naroon siya. At saanman siya lumakad, sa mga nayon man o sa bayan o sa bukid, inilalagay nila sa mga liwasan ang mga maysakit at nakikiusap sa kanya na mahipo man lamang sana nila ang laylayan ng kanyang damit, at gumaling ang lahat ng humipo rito.
PAGNINILAY:
Mga kapanalig, tunay na ang Panginoong Hesus ang Banal na Manggagamot. Taglay Niya ang dakilang pagmamahal na kusang nakapagpapagaling, mahipo lamang Siya o kahit na ang Kanyang balabal. Sa narinig nating Mabuting Balita, maliwanag na kumalat na sa mga bayan ng Galilea ang mga pagpapagaling ni Hesus sa mga maysakit. Marami na rin ang nakaaalam sa mga ginawa Niyang himala tulad ng pagpaparami ng tinapay. Kaya maraming tao ang naghihintay sa Kanyang pagdating, at sumusunod sila saan man Siya magpunta. Kaya sa pagdating nila ng Kanyang mga alagad sa pampang ng Genesaret, nakakita ng pagkakataon ang mga tao roon, upang ihingi ng lunas ang mga may karamdaman. Naniniwala kasi silang gagaling ang mga maysakit, kahit mahipo man lamang nila ang laylayan ng damit ni Hesus. Kapanalig, kumusta ang pananalig mo sa kapangyarihan ng Panginoong Hesus na magpagaling ngayong panahon ng pandemya? Buo pa ba ang iyong tiwala na kaya Niyang hilumin ang buong mundo sa sakit na covid? O nagdududa ka na rin sa Kanyang kapangyarihang magpagaling? Dahil halos dalawang taon na tayong nananalangin, pero patuloy pa rin ang banta ng sakit na covid at variants nito. Hindi pa rin tayo malayang makagala saan man natin gustuhin… At marami na ang nahihirapang magpatuloy sa buhay dahil sa abnormal na takbo ng ating buhay. Hindi man natin batid ang dahilan ng Diyos kung bakit hinahayaan Niya pang maranasan natin ang mga pagsubok na dulot ng pandemya, pero manalig tayong may ginagawa Siyang paghihilom sa mundong sinira ng kayabangan ng tao. May ginagawa Siyang pagpapanibago sa sangnilikhang dumaraing dulot ng samu’t saring pang-aabuso at paglapastangan ng tao sa Inang kalikasan. Manalig tayo, that God will make all things new in His perfect time! Sama-sama tayong magsumamo, O Panginoong Hesus na aming Dakilang Manggagamot, patawarin Mo po kami sa pangkalahatang kasalanang nagawa namin Sa’yo at sa sangnilikha. Mahabag po kayo sa amin. Hilumin Nyo na po ang buong mundo sa sakit na covid at variants nito. Amen.
By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province5
11 ratings