Sign up to save your podcasts
Or

MABUTING BALITA |SETYEMBRE 1, 2021
Miyerkules sa ika -22 na Linggo sa Karaniwang Panahon
EBANGHELYO: LUCAS 4:38-44
Pag-alis ni Hesus sa sinagoga, nagpunta siya sa bahay ni Simon. Inaapoy ng lagnat ang biyenang babae ni Simon. Kayat pinakiusapan nila siya tungkol sa kanya. Pagkayuko ni Hesus sa kanya, inutusan niya ang lagnat at nilisan siya nito. Kaagad siyang tumindig para maglingkod sa kanila. Paglubog ng araw, dinala naman sa kanya ng lahat ng tao ang kasama nilang mga may sakit ng iba’t ibang karamdaman. Ipinatong niya ang kanyang mga kamay sa bawat isa sa kanila at pinagaling sila. Lumabas ang mga demonyo mula sa maraming tao at pasigaw na sinabi ng mga ito: “Ikaw ang Anak ng Diyos!” Ngunit pinatahimik niya sila at di pinahihintulutang magsalita dahil alam ng mga ito na siya ang Mesiyas. Nang mag-uumaga na, lumabas si Hesus at pumunta sa isang ilang na lugar. Ngunit pinaghahanap siya ng maraming tao, at nang matagpuan siya’y sinikap nilang hadlangan na makaalis pa siya sa kanila. Pero sinabi niya sa kanila: “Dapat ko ring ipahayag ang Mabuting Balita ng paghahari ng Diyos sa iba pang mga bayan; ito ang dahilan kung bakit ako isinugo.” At nagpatuloy siyang mangaral sa mga sinagoga ng Judea.
PAGNINILAY:
Tatlong puntos ang nais kong bigyang pansin sa aking pagninilay. Una, pinagaling ni Hesus ang biyenang babae ni Pedro, at ang kanyang tugon – paglilingkod. Pangalawa, ang katotohanang si Hesus lamang, ang dakilang manggamot na makapagbibigay sa atin ng tunay na kagalingan. At Pangatlo, bakit ang tagal sagutin ng Diyos ang isinusumamo nating kagalingan? Unang punto, kung pinagaling ka ng Panginoong Hesus, ano ang tugon mo sa tinanggap na kagalingan? Noong nagkasakit ako ng cancer, taon 2014 at nakarecover sa awa ng Diyos; at nabalian ng buto at napilay noong 2019 dahil sa car accident, pero nakalakad ulit ng normal – tinanaw ko itong malaking utang na loob sa Diyos at tanda ng kanyang habag at pagmamahal sa akin. Kaya naman, taos-puso ang pasasalamat ko sa Diyos, at itinuring ko ang buhay ko ngayon na extension na lamang, na marapat gamitin sa kabutihan, at sa mga gawaing paglilingkod sa Diyos at sa kapwa. Patunay din ito, na may misyon pang gustong ipagawa sa akin ang Diyos, katulad ng misyong ipahayag ang Kanyang Salita sa pamamagitan ng programang ito. Pangalawang punto, ang katotohanang sa Diyos lamang tayo makakatagpo ng ganap na kagalingan, sa krisis pangkalusugang patuloy nating pinagdadaanan. Kaya sa Panginoon natin ibigay ang lubos na pagtitiwala at pag-asa, na pagagalingin niya tayo at ang buong mundo sa sakit na covid sa panahong kanyang itinakda. Pangatlong punto, marahil marami na sa atin ang naiinip sa pagtugon ng Panginoon. Bakit ang tagal-tagal naman, hirap na hirap na kami, andami nang namamatay, nawalan ng trabaho, bakit hindi pa rin dinirinig ng Diyos ang ating taimtim pagsamo? Lord, nandyan ka pa ba? Mga kapanalig, ako man po ay walang maisasagot sa mga tanong na ito. Pero, hindi kaya, may nais pang ituro ang Panginoon sa patuloy nating nararanasang krisis? Pansinin natin ang mundo ngayon sa gitna ng krisis. Kamakailan, sumiklab ang kaguluhan sa Afganistan, at sa Haiti… at sa ating bansa mismo, marami ding usapin sa lipunan na lalo pang nagpapahirap sa mga mamamayan bunga ng corruption, kasakiman, pagsasamantala sa puwesto ng ilang kinauukulan. Kaya ang tanong: May nagbago ba sa pag-uugali ng tao ngayong panahon ng pandemya? Nakitaan ba tayo ng pagpapakumbaba, taos-pusong pagsisisi at pagbabagong-loob? Ikaw, kapanalig, paano ka binabago ng pandemya? Hindi man natin alam ang plano ng Diyos, kung ba’t hinahayaan Niyang pagdaanan natin ang kadilimang ito… pero sa mata ng pananampalataya, masasabi nating, may ginagawa ang Diyos, hindi Siya natutulog sa gitna ng hirap at pasakit na ating nararanasan…
By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province5
11 ratings