Sign up to save your podcasts
Or

MABUTING BALITA | SETYEMBRE 17, 2021
Biyernes sa ika -24 na Linggo sa Karaniwang Panahon
EBANGHELYO: LUCAS 8:1-3
Naglibot si Hesus sa bawat lunsod at bayan na nangangaral at ibinabalita ang Kaharian ng Diyos. Kasama niya ang Labindalawa at ilang mga babae na pinagaling sa masasamang espiritu at mga karamdaman: si Maria na tinaguriang Magdalena, na nilisan ng pitong demonyo, si Juana na asawa ni Kusa na katiwala ni Herodes, at si Susana at iba pang naglilingkod sa kanila mula sa kanilang kaya.
PAGNINILAY:
Nais kong tanungin ang mga kababaihang nakikinig ng pagninilay na ito. Bakit ka ba naglilingkod kay Hesus? Marahil meron kang hinihingi? O kaya naman nagpapasalamat ka sa biyayang natanggap. Iba’t-iba marahil ang ating sagot pero, gaya ng mga babaeng nabanggit sa Mabuting Balita ngayon, maaaring pasasalamat sa biyayang natanggap o dahil sa pagmamahal sa Diyos. Naglilingkod tayo kay Hesus dahil naramdaman natin kung paano tayo minahal at pinahalagahan ng Diyos. Kay sarap magmahal ng Diyos! Pupunuin Nya tayo ng mga consolations kaya kahit sa gitna ng paghihirap at mga sakripisyo, may saya tayong nadarama. There is joy and fulfillment for every self-denial and mortification. There is a feeling of victory for every temptation that we overcame for the sake of Jesus. Mga kapanalig, noon pa man may mahalagang gampanin na ang mga babae sa buhay at ministeryo ni Hesus. Sila yung mga babaeng napagaling ni Hesus at nabigyan ng pagpapahalaga. Kaya naman nag-uumapaw sa pasasalamat ang kanilang mga puso. Kaya nga ipinagbili nila ang kanilang mga ari-arian upang itustos sa pangangailangan ni Hesus at mga kasama nito. Ako, wala man akong yaman na maiaalay sa kanya pero buong puso, buhay at paglilingkod ang tanging alay ko sa kanya, bilang pasasalamat sa kanyang katapatan at pagmamahal sa akin sa kabila ng aking mga kahinaan at pagkukulang sa kanya. Ang iba, hindi makahandog ng paglilingkod dahil abala sa hanapbuhay. Material na bagay na lamang ang kanilang handog, upang suportahan ang mga naglilingkod kay Hesus. Wala man ang presencenila, dama pa rin ang kanilang pakikiisa sa misyon ni Hesus sa pamamagitan ng kanilang handog at tulong. Ikaw kapanalig, anong meron ka na nais mong ihandog kay Hesus? Kailan mo ba planong ihandog ‘yan sa kanya?
- Sr. Lou Ranara, FSP | Daughters of St. Paul
By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province5
11 ratings