PAULINES

MABUTING BALITA | SETYEMBRE 3, 2021


Listen Later

MABUTING BALITA | SETYEMBRE 3, 2021

Biyernes sa ika -22 na Linggo sa Karaniwang Panahon


EBANGHELYO: LUCAS 5:33-39

Sinabi ng mga Pariseo at mga guro ng Batas kay Hesus: “Madalas mag-ayuno at may mga panalangin ang mga alagad ni Juan, at gayon din naman ang mga alagad ng mga Pariseo; kumakain naman at umiinom ang mga iyon.” Kaya sinabi ni Hesus sa kanila: “Hindi ninyo mapag-aayuno ang mga abay sa kasalan habang kasama pa nila ang nobyo, di ba? Ngunit darating ang panahon na aagawin sa kanila ang nobyo at sa araw na iyon sila mag-aayuno.” Sinabi pa ni Hesus sa kanila ang isang talinghaga: “Walang pumuputol ng panagpi mula sa bagong damit at itinatagpi sa lumang damit. Kung hindi’y napupunit na ang bago at hindi pa magiging bagay sa lumang damit ang tagping mula sa bago. At wala ring naglalagay ng bagong alak sa mga lumang sisidlan. Kung hindi’y sisirain ng bagong alak ang mga lumang sisidlan kaya matatapon ang alak at masisira pati mga sisidlan. Sa halip ay sa mga bagong sisidlan dapat ilagay ang bagong alak. Hindi naman humihingi ng bagong alak ang umiinom ng luma, sinasabi nga niya: ‘Ang luma ang siyang mabuti.’”

PAGNINILAY:

Sa panahon ngayon, puspos ng takot, kawalan ng pag-asa at katiyakan ang buhay natin, dahil hindi natin nalalaman ang mangyayari sa mga araw o taon na darating dulot ng pandemyang Covid 19. Kaya kung tatanungin ka kung ano ang uunahin mong gawin sa panahong ito? Fasting or Feasting? Pag aayuno o pagdiriwang? Ano ang pipiliin mo? Para sa akin wala akong pipiliin sa dalawa. Sa halip, sisikapin kong isabuhay ang fasting at feasting sa mapaghamong panahon at krisis na ito, nang may pasasalamat, bukas na kalooban at pananampalataya sa Diyos. From the book of Ecclesiastes it says” There is an appointed time for everything, and a time appointed for every affair in the heavens.” Mga kapanalig, narinig natin sa Mabuting Balita ngayon na nagtanong ang mga Pariseo at mga Escriba tungkol sa di pag-aayuno ng mga alagad ni Hesus. Fasting is one of the three most important religious duties during our Lenten observance, along with prayer and almsgiving. Dito, gustong ipahiwatig ni Hesus na may panahon para sa pag-aayuno at panahon para sa pagdiriwang. Ang panahon ng pagdiriwang o Feasting ay masasalamin sa pakikipag-ugnayan natin sa Diyos nang may galak at pagmamahal; sa kasiyahang dulot ng mga magagandang bagay sa ating pakikipagkapwa tao at sa mga likha niya na nakakamangha at nagbibigay kapayapaan at saya sa ating puso at kalooban. At sa panahon naman ng pag-aayuno, inaanyayahan tayong ipahayag ang ating taos pusong pagbabalik loob at pagsisisi sa ating mga kasalanan, tanggapin ang mga pagsubok sa buhay nang may pagpapakumbaba, at hanapin ang presensiya ng Diyos sa ating buhay lalo’t’ higit ang kanyang pagmamahal.

- Sr. Gemma Gamab, FSP | Daughters of St. Paul

...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

PAULINESBy Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

  • 5
  • 5
  • 5
  • 5
  • 5

5

1 ratings