08.23.2023 - By Barangay LS 97.1 Manila | GMA Network Inc.
Isang desisyon ang pagmamahal. Hindi ito magtatagal kung ibabase lang ito sa pakiramdam. Nang hindi na muling magparamdam ang first love ni Israel, nag-decide siyang pakawalan ito at ibaling ang atensyon niya sa taong matagal na siyang gusto. 'Di kalaunan'y, natutunan niya ring mahalin si Rose at nakabuo sila ng isang simple at masayang pamilya. Pakinggan ang kuwento ni Israel sa Barangay Love Stories.