Solid Joys Devotionals (Tagalog)

May 4 - Isang Motibong Mapanganib


Listen Later

Isang Motibong Mapanganib

“Sino ang nakapagbigay ng anuman sa [Diyos] na dapat niyang bayaran?” Sapagkat ang lahat ng bagay ay mula sa kanya, sa pamamagitan niya, at pag-aari niya. Sa kanya ang karangalan magpakailanman! (Roma 11:35-36, MBBTAG)

Pagdating sa pagsunod, ang pasasalamat ay isang motibong mapanganib. Madalas itong itakda ng may utang na loob. Halimbawa, “Tingnan mo kung gaano karami ang ginawa ng Diyos para sa ’yo. Hindi ba dapat marami ka ring gawin para sa Kanya para mapasalamatan Siya?” O kaya, “Utang mo sa Diyos kung sino ka at kung anong meron ka. Ano’ng ginawa mo para sa Kanya bilang kapalit?” Meron akong at least tatlong problema sa ganitong uri ng motivation. 

Una, imposibleng bayaran ang Diyos para sa lahat ng biyayang ibinigay Niya sa atin. Ni hindi natin ito kayang gawin, dahil sabi sa Roma 11:35–36, “Sino ang nagkapagbigay ng anuman sa [Diyos] na dapat siyang bayaran? [Sagot: Walang sinuman!] Sapagkat ang lahat ng bagay ay mula sa kanya, sa pamamagitan niya, at pag-aari niya. Sa kanya ang karangalan magpakailanman!” Hindi natin Siya mababayaran dahil Siya na ang may-ari ng lahat ng puwede nating ibigay sa Kanya — pati na ang lahat ng ating pagsisikap.

Pangalawa, kahit pa magtagumpay tayong bayaran Siya para sa lahat ng Kanyang biyaya, magtatagumpay lang tayong gawing palitan ng kalakal ang biyayang ito. Kung pwede natin itong bayaran, hindi ito biyaya. Kung sinubukan ng isang tao na ipakita sa ’yo ang isang natatanging pagmamahal sa pamamagitan ng pag-imbita sa ’yong kumain ng hapunan sa kanyang bahay, at pagkatapos ng gabi’y sinabi mong babayaran mo siya at iimbitahin sa iyong bahay sa susunod na linggo, pinapawalang-bisa mo ang kanyang biyaya at ginagawa itong isang kalakal. Hindi gusto ng Diyos na mapawalang-bisa ang Kanyang biyaya. Gusto Niyang luwalhatiin ito (Efeso 1:6, 12, 14).

Ikatlo, ang pagpo-focus sa pasasalamat bilang motibo sa pagsunod ay madalas na hindi pinapansin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng pananampalataya sa  biyayang panghinaharap ng Diyos. Nagbabalik-tanaw ang pasasalamat sa biyayang natanggap sa nakaraan at pinasasalamatan ito. Hinaharap ng pananampalataya ang ipinangakong biyaya sa hinaharap – maging limang minuto man ito mula ngayon o limang siglo – at nakakaramdam ng pag-asa. “Ngayon, ang pananampalataya ay ang katiyakan sa mga bagay na inaasahan, ang paninindigan sa mga bagay na hindi nakikita” (Hebreo 11:1).

Ang pananampalatayang ito sa biyayang panghinaharap ang motibo ng pagsunod na nagpapanatili ng mapagbiyayang kalidad na pagsunod ng tao. Ang pagsunod ay hindi binubuo ng pagbabayad sa Diyos kaya’t nagiging palitan ng kalakal ang biyaya. Nagmumula ang pagsunod sa pagtitiwala sa Diyos para sa marami pang biyaya – biyaya sa hinaharap – ang walang-hanggang kayamanan ng pag-ibig at kapangyarihan ng Diyos. Tinitingnan ng pananampalataya ang pangakong “kasama mo [ako] saan ka man pumaroon” (Joshua 1:9), at naglalakas-loob angkinin ang lupain nang may pagsunod.

Devotional excerpted from “Future Grace”

This article was translated by Joshene Bersales and was originally written by John Piper of Desiring God. To read the original version, click https://www.desiringgod.org/articles/a-dangerous-motive

Joshene Bersales considers Joshua her Bible hero, and strives to have faith that can make the sun stand still. She graduated with an AB Literature (English) degree from Ateneo de Manila University. She is a writer, editor, and translator. Joshene loves theater, traveling, and tea. You can find her on IG (@joshenebersales) and Facebook (https://www.facebook.com/joshenebersales/).

John Piper (@JohnPiper) is founder and teacher of desiringGod.org and chancellor of Bethlehem College & Seminary. For 33 years, he served as pastor of Bethlehem Baptist Church, Minneapolis, Minnesota. He is author of more than 50 books, including Desiring God: Meditations of a Christian Hedonist and most recently Providence.

...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

Solid Joys Devotionals (Tagalog)By Driven By The Gospel


More shows like Solid Joys Devotionals (Tagalog)

View all
Sitio Bangungot - Pinoy Horror Stories for Sleep Podcast by Kwentong Takipsilim

Sitio Bangungot - Pinoy Horror Stories for Sleep Podcast

2 Listeners