Think About It by Ted Failon

Modus: Alokasyon sa importasyon (Aired Feb. 24, 2026)


Listen Later

Sa kasagsagan ng imbestigasyon sa Philippine Offshore Gaming Operators o POGO, nabisto na ang POGO operator sa Bamban, Tarlac ay gumamit ng market at barbecue vendors at call center agent bilang dummy incorporators. Habang sa flood control scandal, nabuko na ang ilang opisyal ng DPWH ay gumagamit ng mga construction company bilang dummy companies para sa flood control projects sa Bulacan. Dummy incorporators at dummy companies… Mga katagang naririnig uli natin sa ginagawang imbestigasyon naman ng Senate Committee on Agriculture tungkol sa agricultural smuggling. Noong Oktubre 2025 pa lamang, tinukoy na ni Sen. Kiko Pangilinan ang red flags ng pagkakaugnay ng iba’t ibang rice traders at importers sa iisang may-ari, na nakababahala dahil baka ang rice importation ay nasa kontrol lamang ng iilang traders na siyang nagbibigay sa kanila ng kapangyarihan na impluwensyahan ang merkado. Kung kaya’t ang tanong namin sa Department of Agriculture, partikular sa Bureau of Plant Industry na nagbibigay ng Sanitary and Phytosanitary Permit para makapag-angkat ng bigas: Ano ang basis o formula sa pagbibigay ng alokasyon ng dami ng aangkating bigas ng importer? Dahil ang tinutumbok ng komite ni Senator Pangilinan na kartel sa rice importation ay taliwas sa hangarin ng Marcos administration noong ibinaba nila ang taripa sa importasyon ng bigas. Sino ang pasimuno sa kartel na ito? At ang alokasyon sa importasyon ng bigas---isa na namang modus ng korapsyon? Think about it.#TedFailonAndDJChacha

...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

Think About It by Ted FailonBy 105.9 True FM


More shows like Think About It by Ted Failon

View all
Facts First with Christian Esguerra by Christian Esguerra

Facts First with Christian Esguerra

21 Listeners