
Sign up to save your podcasts
Or


Sa episode na ito ng Moneyfesting with Manong George, kasama natin si Aaron Arcilia, also known as Aaron the RN, isang Filipino nurse, content creator, at OFW na nag-navigate ng buhay at career mula Pilipinas, UK, hanggang US.
Mula sa isang unexpected setback matapos mabalian ng kamay, pagbuo muli ng kanyang nursing career, paglipat sa UK, at muling pagsisimula sa US, ibabahagi ni Aaron kung paano niya hinarap ang financial challenges, pagiging breadwinner, at pressure ng starting over in a new country.
Pag-uusapan natin ang cost of moving abroad, living below your means, emergency funds, financial literacy, family finances, setting boundaries as a breadwinner, entrepreneurship, side hustles, investments, at ang kahalagahan ng pagkakaroon ng malinaw na financial plan at exit plan.
Tatalakayin din natin kung paano matututong magbigay nang hindi nauubos ang sarili, magkaroon ng healthy conversations about money with family, know the value of your work, at gamitin ang income para makabuo ng mas sustainable na future.
Isang kuwento ng resilience, financial responsibility, family, entrepreneurship, intentional giving, at learning to move from simply surviving to truly thriving.
Sa episode na ito ng Moneyfesting with Manong George, kasama natin si Celica Escobar, isang Filipino professional na dumaan sa iba't ibang career shifts mula nursing hanggang Real Estate Agent sa Dubai.
Mula sa pagtatrabaho abroad at living below her means, pagbuo ng career step by step, paglipat sa UK, pagbabalik sa Dubai, hanggang sa pagpasok sa property industry, ibabahagi niya kung paano niya tinitimbang ang career, finances, opportunities, at personal goals sa bawat decision.
Pag-uusapan natin ang career shifting, financial readiness, emergency funds, property investment, knowing your value, setting boundaries, at kung kailan kailangan mong mag-stay, mag-adjust, o gumawa ng bagong daan.
Isang kuwento ng intentional living, financial awareness, self-belief, at courage to create your own opportunities.
In this episode of Moneyfesting with Manong George, kasama natin si Claire Bicong, isang OFW based in Spain at pakinggan natin ang kanyang journey na nagdala sa kanya mula Pilipinas, Qatar, Dubai, hanggang Ukraine— kung saan naranasan nya ang struggle sa pagumpisa ng giyera.
Dito nagbago ang lahat. Ang simpleng planong pag-alis ay nauwi sa isang journey of survival, uncertainty, at pagsisimula muli.
Pag-uusapan natin ang kanyang OFW journey, negosyo abroad, COVID, remote work, at kung paano nila hinarap ang mga pagsubok sa gitna ng digmaan.Isang kuwento ng tapang, pagmamahal, at pagbangon kahit hindi ayon sa plano ang buhay.
Sa episode na ito ng Moneyfesting with Manong George, kasama natin si Laisa Marie Gregorio — ang occupational therapist na nag-UK nang hindi naman talaga nasa plano, naging band 7, at pagkatapos ay inubos ang pitong taon ng ipon para habulin ang pangarap na hindi niya sinuko.
Ibinahagi niya ang buong kwento — mula sa UST hanggang Kingston Hospital, at ang burnout pagkatapos ng pandemic na naging dahilan ng pinakamalaking desisyon ng kanyang buhay. Pinag-usapan din namin ang totoong gastos ng pangarap — hindi lang pera, kundi oras, lifestyle, at relasyon. At para sa mga OFW na parang naabot na ang ceiling, o may pangarap na matagal na nilang tinataglay — marami kayong mapupulot dito. Tara na!
In this episode:
Connect with Manong George
Facebook: https://www.facebook.com/manonggeorgeuk/
Instagram: https://www.instagram.com/manonggeorgeuk/
YouTube: https://www.youtube.com/@manonggeorge
Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Sa episode na ito ng Moneyfesting with Manong George, ibang side ng kwento ang pinag-usapan natin—kasama natin si Mr. at Mrs. Gregorio, ang mga magulang ng apat na anak na ngayon ay nakakalat sa UK, Abu Dhabi, at Canada. Sila yung mga naiwan. At alam mo na, hindi lang sa OFW ang sakripisyo—pati sa mga taong naghihintay sa Pilipinas.
Ang totoong puso ng kwento nila? Yung pagsasabi ng totoo sa mga anak kahit masakit, at yung paniniwala na ang padala ay dapat bonus, hindi obligasyon—dapat ito'y galing sa pagmamahal, hindi lamang sa utang na loob. Para sa mga Gregorio, lahat nagsisimula sa open communication: walang sekreto, walang itatago, para alam nila kung paano tutulungan ang isa't isa. Heart to heart talaga ito.
In this episode:
Connect with Manong George
Facebook: https://www.facebook.com/manonggeorgeuk/
Instagram: https://www.instagram.com/manonggeorgeuk/
YouTube: https://www.youtube.com/@manonggeorge
Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Sa episode na ito ng Moneyfesting with Manong George, kasama natin si Oliver “Bong” Calma—ang OFW na naging founder ng BCRemit, ang award-winning Filipino fintech company na nakabase sa London. Oo, may Pinoy pala tayong kumpanya na nakikipagsabayan sa mga malalaking pangalan sa remittance. At hindi siya nanggaling sa mayamang pamilya o sa Silicon Valley. Nag-abroad siya tulad mo, tulad ko—at nag-notice lang ng problema na pamilyar sa lahat ng nagpapadala ng pera sa Pinas.
Ang sabi niya noon sa mga dating colleagues niya sa ABS-CBN? "Hobby ko lang ito." Pero ngayon, 24 countries na. Pag-usapan namin kung paano umabot doon—ang takot, ang mga hump, ang pandemic na naging lakas nila, at ang isang pilosopiya sa pera na simple pero malalim. Tara na!
In this episode:
Connect with Manong George
Facebook: https://www.facebook.com/manonggeorgeuk/
Instagram: https://www.instagram.com/manonggeorgeuk/
YouTube: https://www.youtube.com/@manonggeorge
Connect with Oliver “Bong” Calma
Website: https://bcremit.com/
LinkedIn: https://www.linkedin.com/in/oliver-calma-cfa-53976020/
Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Sa episode na ito ng Moneyfesting with Manong George, kasama natin ang mag-asawang Peter at Janelle—isang NHS nurse at isang product designer na nagtatayo ng kanilang buhay sa Cambridge, UK. Pero hindi lang ito kwento ng dalawang OFW na nag-tagumpay. Kasama rin nila sa lahat ng ito si Poody—ang 12-year-old poodle na galing pa sa Pilipinas, at ang tunay na sentro ng kanilang mundo.
Alam ba ninyo ang DINK? Double Income, No Kids. Pero para kina Peter at Janelle, may dagdag pa: WAD. With A Dog. Pinag-usapan namin ang lahat: ang tatlong taon ng LDR dahil sa COVID, ang challenge ng mag-asawang nagbabago, ang pressure ng “kelan kayo magkaanak,” at kung bakit para sa kanilang dalawa, ang financial freedom ay hindi tungkol sa luxury—kundi sa kalayaang mamuhay nang hindi humihintay ng permiso. At kung gusto mong malaman kung paano nagpadala ng aso mula Pilipinas papuntang UK, andito rin ang sagot. Tara na!
In this episode:
Connect with Manong George
Facebook: https://www.facebook.com/manonggeorgeuk/
Instagram: https://www.instagram.com/manonggeorgeuk/
YouTube: https://www.youtube.com/@manonggeorge
Connect with Peter & Janelle
Website: https://www.somabody.app
Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Sa episode na ito ng Moneyfesting with Manong George, kasama natin ang mag-asawang Patrick at Krissel—ang co-founders ng Knotflix, isang wedding photography at videography business na sinimulan nila sa isang camera, isang gimbal, at isang libreng gig. Si Krissel, dating nurse na laging nagde-drag herself papunta sa trabaho. Si Patrick, dating licensed real estate broker sa Pilipinas na sinampal ng COVID at nahanap ang kanyang calling sa isang church media team. Magkasama, nagtayo sila ng negosyo na ngayon ay 4 years na—at patuloy na lumalaki.
Pinag-usapan namin ang lahat: ang LDR na nagsimula sa isang epic na ice skating fall, ang sacrifice ng magresign nang walang safety net, ang topper-lang-ang-kama phase ng kanilang buhay, at kung paano nila pinananatiling buo ang relasyon habang pinapalaki ang isang business at isang pamilya. At sa lahat ng desisyon nila—pananampalataya ang laging nasa sentro. Kung mag-asawa kayo na nag-iisip mag-negosyo, o OFW na naghahanap ng kung paano i-balance ang puso at ang pera—siguradong marami kayong mapupulot dito. Tara na!
In this episode:
Connect with Manong George
Facebook: https://www.facebook.com/manonggeorgeuk/
Instagram: https://www.instagram.com/manonggeorgeuk/
YouTube: https://www.youtube.com/@manonggeorge
Connect with Patrick & Krissel
Website: https://www.knotflixphotoandfilms.com/
Facebook: https://www.facebook.com/knotflixUK
Instagram: https://knot.flix/
YouTube: https://www.youtube.com/channel/UC9_6aZIf_ZtE7nwymE8BoOw
Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Sa episode na ito ng Moneyfesting with Manong George, kasama natin ang mag-asawang Ian at Vanessa—isang missionary family na nag-migrate sa UK two years ago. Si Vanessa, nurse na bumalik sa practice after 14 years. Si Ian naman, pastor at full-time dad na nag-adjust sa buhay dito sa London. Dito nila ibinahagi ang kanilang journey mula sa pagiging settled family sa Philippines, hanggang sa pagdesisyon na mag-migrate sabay-sabay. Pinag-usapan namin ang struggles ng first year, ang adjustment bilang mag-asawa with reversed roles, at kung paano nila pinaglaban ang family-first principle kahit financially challenging.
Tinalakay din nila ang kanilang value-based approach sa budgeting, kung paano mag-handle ng disagreements about money at remittances, at ang parenting abroad—from giving space to each other hanggang sa pagtuturo ng independence sa mga bata. Kung mag-asawa ka na nag-aadjust sa buhay abroad, naghahanap ng alignment sa values at finances, o gusto ng real talk about marriage and migration—siguradong marami kang mapupulot dito.
In this episode:
Connect with Manong George
Facebook: https://www.facebook.com/manonggeorgeuk/
Instagram: https://www.instagram.com/manonggeorgeuk/
YouTube: https://www.youtube.com/@manonggeorge
Connect with Ian and Vanessa Daguman
Website: https://www.cecp.eu/daguman
Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
In this episode of Moneyfesting with Manong George, kasama natin si Kuya Hernani, isang physical therapist na naging successful property investor sa UK. Dito, ikinuwento niya ang journey niya mula sa paMgiging factory worker, sa mga pagkakamali sa unang investments, hanggang sa pagbuo ng diskarte at sistema na nagdala sa kanya sa double-digit property portfolio.
Pero higit pa sa pera at bahay, kwento rin ito tungkol sa resilience, mindset, at kung paano ang tunay na money-festing ay hindi lang basta-basta, kundi kombinasyon ng tamang pag-iisip, edukasyon, at masipag na trabaho. Dahil gaya ng sabi ni Kuya Hernani, hindi pwedeng isip lang—kailangan may aksyon at malinaw na dahilan para matupad ang pangarap.
In this episode:
Connect with Manong George
Facebook: https://www.facebook.com/manonggeorgeuk/
Instagram: https://www.instagram.com/manonggeorgeuk/
YouTube: https://www.youtube.com/@manonggeorge
Connect with Hernani Cudal
YouTube:
Facebook: https://www.facebook.com/hernani.cudal/
Facebook Group: https://m.facebook.com/groups/diskartengpinoyuk/
Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
From the publisher's feed
Welcome to Moneyfesting with Manong George — the podcast where overseas Filipinos (OFWs) open up about their journeys, dreams, and the money lessons they’ve learned along the way. Each episode…
Join Manong George as he dives deep into the realities of being an OFW — the sacrifices, the wins, and the wisdom earned from miles away. Because while we may be far from home, we’re all still on the road to something greater.
Moneyfesting with Manong George — malayo na, pero malayo pa.
Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.