Ang kaharian ni Cristo ay hindi nanganganib na mabigo. Dapat malaman at maintindihan ito nang mabuti ng mga Kristiyano, ng mga churches, at lalo na ng mga pastor. Nangyari na ang pinakamahalagang araw. Oras na ngayon ng paglilinis. Wala ni isang taong pinili ng Diyos upang iligtas ang hindi maliligtas dahil tila parang “nananalo” ang sekular na agenda sa ating panahon at lugar. Hindi dapat tayo mabalisa o mawalan ng pag-asa.