Natapos man ang unang limang serye (Hiraya,Ganap,Sulit,Pasakalye, at Dasig) na aming nalikha dito sa mundo ng Podcast ay hindi parin namin nalilimutan kung paano ba ito nagsimula, naisagawa, at na-publish sa ibat-ibang channel. Dahil dito, marami kaming naranasan at natutunan. Bilang bahagi ng aming Podcast, nais naming magpasalamat sa lahat ng mga nakinig at na-inspire. Kayo ay nagsisilbi rin naming inspirasyon upang ipagpatuloy ang aming nasimulan. Huwag niyo ring kalimutan na kami ay kausapin para maibahagi ang inyong #PadayonStories.