
Sign up to save your podcasts
Or


Nang masunog ang TX Factory, isang resignation letter ang natagpuan sa loob ng isang drawer. Isinulat ito ni Rosalina, matagal nang staff sa factory. Sinasalaysay nito ang mga premonisyong kaniyang nakita dahilan para magbitiw siya sa kaniyang trabaho.
May kakaibang nahagip sa litrato ni Gela, isang grad-waiting student mula sa DLSU. Ito ang magdadala sakanya para malaman ang malagim na nakaraan sa kapilyang madalas nila puntahan.
Iba't ibang kababalaghan ang nararamdaman ni Maria bilang saleslady sa Dar Mall. Hanggang sa mahuhukay ang isang katotohanan mula sa kaniyang nakaraan na magpapatunay sa kakaiba niyang karanasan.
Nang magbakasyon si Jelai sa Bulacan, hindi niya inasahang tanaw mula sa kanilang tinutuluyan ang Bahay na Pula. Nakakikilabot na karanasan ang kaniyang naramdaman at humantong ito upang mahanap niya ang isang bibliya.
Anak ng isang Museum Coordinator sa Malinta Tunnel si Amil. Nang makita niya ang isang batang babae na naglalaro sa lagusan, pinakinggan niya ang mga kwentong bitbit nito tungkol sa kasaysayan ng lugar na iyon.
Isang liham ang natuklasang nakabaon sa pundasyon ng Manila Film Center. Ang nagsulat nito? — si Mia, isang performer sa The Amazing Show, para sa kaniyang amang nawawala. Sinusundan nito ang mga kababalaghang kaniyang naranasan habang inaabot ang kaniyang pangarap.
Ang Panaghoy ay isang koleksyon ng mga kuwentong kababalaghan mula sa iba't ibang trahedyang nangyari sa kasaysayan ng Pilipinas. Mula sa mga makasaysayang lugar at pangyayari, kikilabutan ka sa mga istoryang likha ng kathang-isip.
From the publisher's feed