PAULINES

PANALANGIN para sa HALALAN 2022


Listen Later

PANALANGIN para sa HALALAN 2022  | Sr. Monina Baybay, fsp 

#Panalangin2022 #PanalanginParaSaBayan

Panginoong Hesus, batid Mo ang kalooban ng bawat tao, ang mga problema ng aming bansa at ang mga sanhi nito, at alam Mo ang pananabik ng aming mga puso.  

Panginoon, sa darating na halalan tulungan Mo kaming alamin at suriin ang track record at kwalipikasyon ng mga kandidato. Bigyan kami ng liwanag na maihalal ang mga tamang lingkod-bayan na tutugon sa mga problemang pambansa, at nawa'y mag-anyaya sila ng pangkalahatang pakikilahok sa proseso.  

Panginoon, sa harap ng mga nangyayaring anomalya sa halalan, tulad ng pagbili ng boto at paggamit ng pondo ng pamahalaan para mangampanya, bigyan kami ng lakas ng loob na magsalita ng katotohanan at kumilos nang naaayon bilang mga matuwid na mamamayan at tapat na mga Kristiyano; upang maipakita namin sa salita at gawa, ang pananampalataya ng 500 taon na ipinagkaloob Mo sa aming bansa. Amen.

...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

PAULINESBy Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

  • 5
  • 5
  • 5
  • 5
  • 5

5

1 ratings