
Sign up to save your podcasts
Or


Palaging may dahilan daw kung bakit dumadaan ang bawat tao sa buhay natin, pwedeng maging dahilan sila sa ating pang habang buhay na kaligayahan o pwedeng tayo naman ang maging tulay upang matagpuan nila ang tunay na pagmamahal
Sa oras na tayo ay sobrang masaktan, mahirap ibigay ang isang kapatawaran lalo na kung kasamang nasaktan ang ating pamilya.
Sa long distance, tiwala ang pundasyon. Kung lagi kang nagdududa, baka hindi distansya ang problema kundi ang koneksyon.
Mahirap magkaroon ng kahati sa taong minamahal mo lalo pa nga kung parte ito mismo ng iyong pamilya.
Ang pagmamahal ng isang magulang ay hindi nasusukat kung ikaw ay kanyang kadugo o hindi.
Hindi madali ang mawalan ng mahal sa buhay lalo na kung sila ay parte ng ating pamilya, minsan ay hindi natin alam kung paano ba ulit mag uumpisa, kung paano ba tayo ulit babangon mula sa pagkakalubmok natin sa matinding kalungkutan.
Maaaring magkatotoo ang himala kung ipagdarasal mo ito ng taos sa iyong puso, pero sadyang mahirap din umasa lalo na kung ang ating katawan ay parang bibigay na ano mang oras.
May limitasyon ang buhay natin, dapat alam natin kung paano sulitin ang bawat sandali dahil minsan ay bigla na lamang mawawala ang mga taong mahal natin.
Ang tunay na pag ibig gaano man subukang sirain o pabagsakin ng pagsubok ay mananatiling matatag at matibay.
Hindi hadlang ang kahirapan upang sumuko at hindi umayos ang buhay, nasa pag tiyatyaga at gawa natin kung ano ang magiging kinabukasan natin
From the publisher's feed
Ranked by our users in the last 21 days