
Sign up to save your podcasts
Or


Ang magulang daw ay walang nagiging paborito sino man sa kanilang mga anak, pero minsan hinid nila napapansin na may oras na mas nagbibigay sila ng atensyon kapag alam nila na may kakulangan ang isa sa mga anak nila.
Kung single ka pa rin hanggang ngayon, hindi ibig sabihin may kulang sayo. Minsan, iniingatan ka lang sa maling pag mamahal. Kasi mas okay nang mag-isa kaysa mapasama sa taong hindi ka kayang pahalagahan.
Ang dalawang taong magkarelasyon na pinagbuklod ng kasal ay mas nagtitibay daw ang pagmamahalan kasi syempre ang bawat isa na lamang ang madalas na lamang pwede nilang sandalan at hugutan ng lakas sa mga oras na ang isa sa kanila ay pinanghihinaan ng loob.
Ang ilaw ng tahanan o ang isang nanay ang madalas na humuhubog sa pagkatao ng isang anak, sa pamilya kasi nanay ang mas madalas na sandalan at kinukunan ng lakas .
Minsan may tao tayong makikilala at aakalain natin na dadaan lang sa buhay natin, pero sila pa pala ang magtatagal kahit wala sa plano ay pwedeng maging pang habang buhay.
hindi lahat ng nakaraan ay pwede pa nating balikan dahil may mga relasyon na sa oras na matapos ay hindi na pwedeng bigyan pa ng pangalawang pagkakataon at kung ating pipilitin tayo lang din ang masasaktan sa huli.
Sa kwentong “Ilang Beses Nagkasala”, susundan natin ang buhay ng isang taong paulit-ulit at umaasang may magbabago… pero hanggang kailan?
Hanggang saan ang pasensya ng taong nasasaktan?
At kailan masasabi na sobra na ang lahat?
Ang buhay daw ay parang isang telenovela, madrama, maraming twist at maraming mga pagsubok, kung minsan ay hindi nauubusan ng problema.
From the publisher's feed
Ranked by our users in the last 21 days