
Sign up to save your podcasts
Or


Matutunghayan natin ang masalimuot na kwento ni Denmark mula Quezon City—isang lalaking handang magsugal ng lahat para sa pag-ibig, kahit ang kapalit ay sakit, luha, at pagkalugmok. Sa pag-alis ni Renalyn, ang babaeng minahal niya ng buong puso, masusubok ang kanyang tibay at hanggang saan ang kayang tiisin ng isang pusong umaasa kahit hindi na siya pinipili?
Samahan si Miley sa isang emosyonal at matinding pagsubok kung saan isang gwapong lalaki ang magiging dahilan ng pagkawasak ng matagal at matibay na pagkakaibigan nila ni Glaiza. Dito mo maririnig ang lahat—mga lihim, selos, pagtataksil, at kung paanong isang matinee idol na chickboy ang sinira ang tiwalang itinaguyod ng taon. Isa itong kwentong sumasalamin sa realidad na hindi lahat ng matagal ay tumatagal, at hindi lahat ng kaibigan ay tunay sa oras ng tukso.
Maririnig natin ang mapait at kontrobersyal na liham ni Shiela—isang biyudang negosyante na hindi inaasahang mai-in love sa nobyo ng sarili niyang anak-anakan. Sa gitna ng pag-aaruga, sakripisyo, at pagmamahal ng isang ina, unti-unting nalusaw ang hangganan ng tama at mali nang pumasok ang isang lalaking naging sentro ng pag-aagawan ng dalawang pusong magkaugnay sa iisang tahanan.
Isang kuwento tungkol sa pag-ibig, tiwala, at ang mapait na aral sa salitang “laruan.” Ano ang maaaring mangyari kapag ang relasyon ay itinuring na laro at hindi seryoso? Tuklasin ang sakit, pagkakamali, at mga realizasyon ng mga taong naglaro ng damdamin.
Isang matapang at emosyonal na salaysay ni Solenn ang
magbubukas sa ating kamalayan sa tunay na halaga ng katawan, damdamin, at dangal ng isang babae sa mundong
madalas nang mali ang sukatan ng pagmamahal. Dito mo maririnig ang mga tanong na bihirang sagutin nang tapat—
mahal mo ba talaga kung katawan lang ang hanap, at pwede bang ituring na banal ang isang bagay kung wala namang
tunay na pag-ibig?
Isinalaysay ni Mau mula Tarlac ang kanyang paglalakbay bilang ina, asawa, at OFW na nilabanan ang panlilinlang at pagkakalugmok ng kanyang mister sa bisyo. Dito mo maririnig ang mga tanong na madalas nating itinatanong kapag nasasaktan tayo: "Bakit ganito ang nangyari?" at "Bakit siya pa?"—mga tanong na sasagutin ng sariling katatagan ni Mau.
Isang beauty queen ang mag babahagi ng kanyang kwentong pag-ibig. Isang simpleng kwento ngunit kapupulutan ng aral at kilig. Pakinggan ang kwento ni Nicole sa panibagong episode ng Papa Dudut Stories!
Pakinggan ang matapang na kwento ni Elaine—isang inang piniling wakasan ang siklo ng pang-aabuso para sa kinabukasan ng kanyang anak na si Mera, at para sa kanyang sariling kapayapaan. Dito mo maririnig ang mga hinaing ng isang babaeng niloko, sinaktan, at nilabanan ang takot para makalaya sa lalaking akala niya’y tagapagligtas, pero kalauna’y naging bangungot din.
Ilalahad ni Chester, isang 37-anyos na data analyst mula
Mandaluyong, ang masalimuot na kwento ng isang pamilyang sinubok ng tukso, sakripisyo, at sirang tiwala. Dito mo maririnig kung paano ang simpleng pangarap ng isang mag-asawa ay unti-unting nabahiran ng duda at sakit nang dahil sa paglalandi sa apoy ng kasalanan.
Ibinabahagi ni Elisse, isang 29-anyos na social worker mula Mandaluyong, ang isang masakit at mapait na yugto ng kanyang buhay—isang kwento ng pang-aabuso, pagkawala, at pagbangon mula sa pagkawasak ng tiwala. Dito natin maririnig kung paano ang isang babaeng dating punong-puno ng pangarap ay winasak ng trahedya at pananamantala ng taong dapat sana’y naggabay, ngunit naging dahilan ng sakit.
From the publisher's feed
Ranked by our users in the last 21 days