"TAKE IT! TAKE IT!"
’Yan ang iconic na linyang tumatak mula sa isa sa pinakamalaking award scandals sa kasaysayan ng Philippine showbiz, ang kontrobersya sa Gabi ng Parangal ng 1994 Manila Film Festival.
Kung maaalala ang “Steve Harvey moment” sa Miss Universe 2015, kung saan maling winner ang inanunsyo, halos ganoon din ang nangyari rito. Pero sa 1994 Manila Film Festival, hindi ito simpleng pagkakamali, kundi isang umano’y planadong dayaan.
Sina Ruffa Gutierrez at Gabby Concepcion ang unang inanunsyong Best Actress at Best Actor. Ngunit matapos ang seremonya, ibinunyag ng noo’y Manila Mayor Alfredo Lim na sina Aiko Melendez at Edu Manzano ang tunay na nanalo.
Balikan ang eskandalong yumanig sa Philippine showbiz, ang 1994 Manila Film Festival scam.
Balikan ang buong kuwento.
Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.