Share PodcastSaysayan with Vlad
Share to email
Share to Facebook
Share to X
By Vlad Balao II
The podcast currently has 9 episodes available.
Reacting to Philippine Historical Inaccuracies, Hoaxes and Conspiracies : Episode 9
Pagusapan natin ang ilan sa mga tinatawag na hoaxes, inaccuracies at mga conspiracy sa kasaysayan ng Pilipinas. Kasama ang ating mga kaibigan, kaklase at kasama na nagaral ng kursong kasaysayan at pagtuturo.
Samahan niyo kaming ipaliwanag ang aming mga nalalaman at opinion tungkol sa mga ito.
#PodcastSaysayan
#VladBalaoVlogs
TEATRO, TV AT ANG PAGTATANGHAL SA TUNAY NA BUHAY - EPISODE 8
Tara magkwentuhan tayo tungkol sa mga bagay na may kinalaman sa teatro, mga pagganap sa mga programa sa telebisyon at ang mga life lessons na natutunan natin at ng ating mga panauhin sa kanilang paglalakbay sa buhay.
Kasama si Ethyl Osorio na kasalukuyang gumaganap sa teleseryeng Init sa Magdamag.
#PodcastSaysayanWithVlad
#VladBalaoVlogs
Episode 7 - MAGBASA AY DI BIRO
Kwentuhang libro tayo guys. Masaya to!
Let's go!
#PodcastSaysayanwithVlad
ANG PROSESO NG IDEYA AT MENSAHE - Ang Saysay ng Content Creation Part 2
PODCASTSAYSAYAN EPISODE 6
Noong nakaraang episode ng "Ang Saysay ng Content Creation" napagusapan namin ang mga naging inspirasyon ng ilang mga kaibigang content creator.
Napagusapan din ang mga bagay-bagay tungkol sa kung paano nila nakikita ang kanilang page o channel sa pagusad ng panahon.
Ngayon, pagusapan naman natin kung paano ang proseso ng paggawa ng content at paano ito ginagamit na paraan para magpahayag ng mga ideya, kaisipan at mensahe bilang isang content creator.
Tara na't magkwentuhan para sa usaping may saysay at makabuluhan dito sa
PodcastSaysayan Episode 6
Ang Saysay ng Content Creation - Part 2
#PODCASTSAYSAYAN
#VLADBALAOVLOGS
Episode 5 - Kwentuhang West Philippine Sea
Sa dinami-dami ng nangyayari ngayon sa bansa, isa dito ang nangyayaring tila panghihimasok ng bansang Tsina sa ating mga sakop na isla at katubigan sa West Philippine Sea.
Kasama na rin ang claims ng iba pang mga bansa sa mga pinagaagawang teritoryo sa South China Sea at sa West Philippine Sea.
Bilang mga Pilipino, alam natin na may mali dito at dapat meron tayong gawin. Pero sabi nga ng iilan ay hindi simpleng usapin ang mga ito.
Kamakailan nga ay tila sinita na ng ating pamahalaan ang parang pagtambay ng mga barko ng Tsina kasama ng mga Chinese Militia at iba pang mga barko.
Ngayon, ano nga ba ang mga kwento sa likod nito? Ano ba ang ginagawa ng ating pamahalaan? Mahalaga nga ba ang Hague Ruling at ano-ano pa ba ang dapat gawin ng ating bansa tungkol sa nangyayari dito.
Tara samahan niyo kami na pagkwentuhan ito dito sa PodcastSaysayan Episode 5
#PodcastSaysayan
#VladBalaoVlogs
Episode 4 - MAGAARAL NG KASAYSAYAN, ANONG NATUTUNAN MO?
Bilang isang magaaral ng kasaysayan, maraming mga nagiisip na tila isa itong kakaibang kurso, at ang iba pa nga ay sinasabing "walang pera" dito sa kursong ito. Ito ay base na rin sa karanasan ko bilang nagaral at nagtapos sa kursong ito.
Pero higit sa kita ay maraming benepisyo at mga aral sa buhay ang napagaaralan sa paaralan ang talaga namang nai-apply rin namin sa aming buhay.
Anu-ano ang mga ito? Ano ang karanasan ng isang nagaaral ng kasaysayan at paano ito nagamit sa tunay na buhay?
Tara pagkwentuhan natin yan dito sa episode na ito.
#PodcastSaysayanWithVlad
#VladBalaoVlogs
Sa panahon ng social media, isa sa mga emerging industry ay ang content creation.
Marami ngayon ang tinatawag na content creator, maging ito man ay vlogger, influencer, social media stars atbp.
Pero sa lahat ng ingay na dala ng social media at ang mainstream media, ano ang meron sa content creation sa social media at nagkakaroon ito tono sa pandinig ng kasalukuyang henerasyon?
Tara pagkwentuhan natin yan kasama ng mga content creators na guest natin for today.
Let's go!
Ayos!
#VladBalaoVlogs
#PodcastSaysayan
*This was recorded last April 10, 2021.
Dahil Araw ng Kagitingan kahapon April 9, tara let's have a kwentuhan (naks konyo) tungkol sa ilang bagay sa World War 2 at ilan pang usapin na umiikot dito na may malaking kinalaman sa pagalala ng araw ng kagitingan.
Kasama ng mga naging kaibigan sa pagtuturo at pagaaral ng kasaysayan, pagkwentuhan natin ang araw na tinuturing din na masalimuot na bahagi ng kasaysayan dahil ito ay ang araw ng pagbagsak ng bataan. Ang naging simula ng tuluyang pagkasakop ng ating bansa sa mga Hapon.
Ayos!
EPISODE 1 - REACTING TO PHILIPPINE HISTORY MEMES
Sa kasalukuyang panahon, karaniwang nakakatawa ang mga memes na nakikita natin sa social media. Pero makapangyarihan ang memes, para itong editorial art sa mga diyaryo.
Samahan niyo kami ng aking mga naging kaklase sa BA History, na magreact, magbigay ng opinion at ibang mga bagay na nalalaman namin tungkol sa mga history memes na aming paguusapan sa kwentuhang ito.
Pagkwentuhan natin ang mga nakakatawa, nakakatuwa, nakakainis at syempre ang saysay ng mga ito dito sa ating episode 1.
The podcast currently has 9 episodes available.