"Gray-Areas" yan yung mga area or situation na honestly speaking, mahirap husgahan kung kasalanan nga ba o hindi, dahil walang direct instruction ang Bible sa mga yan. Yes, meron tayong laya sa mga bagay na hindi specifically tinawag na sin sa Word of God, PERO mga kapatid, paalala lang, pwede kasi na maging "COVER-UP" ang so-called "Christian-freedom" para sa maling motibo ng pag-kakasala. Kaya dapat na maging mapanuri. Ano ang mga Biblical-questions na pwede nating gamitin kapag may mga gray-areas of decision making tayong kinakaharap?