Isang Himno ng mga Salita ng Diyos
Ang Taos na Damdamin ng Lumikha para sa Sangkatauhan
I
Sa lahat ng oras, kasama ng tao ang Lumikha.
Lagi Siyang nangungusap sa kanila
at sa kabuuan ng lahat ng nilikha.
At araw-araw ay may bago Siyang isinasagawa.
Ipinapahayag ang Kanyang disposisyon at diwa,
na ipinararating sa pakikipag-usap Niya sa kanila.
Lubos na inihahayag ang Kanyang mga iniisip at ideya.
Oo, lubos na ipinapakita sa Kanyang mga gawa.
Mga tao sa lahat ng oras,
sinasamaha’t minamasdan Niya,
ibinubulong sa kanila
at sa lahat ng nilikha ang Kanyang
mahihinang mga salita.
Diyos ay nasa kalangitan,
kasama ng Kanyang mga nilikha.
Patuloy na nakabantay, at naghihintay.
Katabi mo Siya.
Magiliw at malakas ang Kanyang mga kamay.
Mga yapak Niya’y magaan.
Magiliw at mahina ang tinig Niya,
Anyo Niya’y nagdaraan at pumipihit,
niyayakap ang buong sangkatauhan.
Kaibig-ibig at maginoo, ganyan ang Kanyang larawan.
Kailanma'y hindi Siya umalis na,
ni hindi Siya naglaho na.
Araw-gabi, kasama Siya ng tao.
Palagi Siyang kasama ng tao.
II
Tapat na damdamin at pangangalaga
na Kanyang ginugugol sa kanila,
at pagmamahal at tunay na pag-aalala
ay unti-unti nang nakita
nang Ninive ay iligtas Niya.
Ang pag-uusap, lalo na, nina Jonas at Jehova
ay lalong nagpakita sa nadamang awa ng Lumikha
para sa taong Kanya Mismong nilikha.
Malalaman mo ang taos na damdamin Niya
para sa mga tao sa pag-uusap nila.
Diyos ay nasa kalangitan,
kasama ng Kanyang mga nilikha.
Patuloy na nakabantay, at naghihintay.
Katabi mo Siya.
Magiliw at malakas ang Kanyang mga kamay.
Mga yapak Niya’y magaan.
Magiliw at mahina ang tinig Niya,
Anyo Niya’y nagdaraan at pumipihit,
niyayakap ang buong sangkatauhan.
Kaibig-ibig at maginoo, ganyan ang Kanyang larawan.
Kailanma'y hindi Siya umalis na,
ni di Siya naglaho na.
Araw-gabi, kasama Siya ng tao.
Palagi Siyang kasama ng tao.
mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao