Ngayon naman para sa kulturang Pilipino, ako si Amihan, ang inyong host ngayong linggo! Nais niyo bang makadiskubre ng mga makabuluhang kanta at tula mula sa iba’t ibang musikero at makata? Ang segment na ito ay magsisilbing espasyo para sa iba't ibang pagtatanghal ng mga talento ng ating kababayang pilipino.
For today’s episode, ipinagpupugay po natin ang buhay ni Lualhati Bautista, isang manunulat at isang aktibista. Siya ay kilala sa kanyang mga lunsarang aklat na nakasentro sa pakikibaka ng mga kababaihan noong Martial Law katulad ng Dekada Sitenta [‘70] at Bata, Bata, Paano ka Ginawa? Noong January 1, 2020 naman, Lualhati’s collection of poems, Alitaptap sa Gabi ng Dilim was published. Lualhati Bautista died at the age of 77 last February 12, 2023. To commemorate her life, works, and service to the Filipino people and the Philippines, halina’t pakinggan natin ang kanyang sinulat na tula na pinamagatang
Kasal
Ikinakasal ko ang aking sarili sa aking mga kahawak-kamay,
Sa lahat ng aking katabi at kaakbay.
Sa aking mga lantad at lihim na pag-ibig.
Sa lahat ng katalik ng puso ko’t isip.
Sa mga dumadamay at nakikinig
Sa iyak ng puso at pagkaligalig ng aming lipunan at aming daigdig.
Ikinakasal ko ang aking sarili sa lahat ng tauhan
Na nagmula man sa sulok ng aking isip
Ay hinugot pa rin sa aking kaluluwa’t puso
Silang mga dumating at naglakbay
Sa mga pahina ng aking buhay
Ikinakasal ko rin ang aking sarili
Sa lahat ng tauhan na hindi nilikhalang ang sariling isip
Kundi hinugot sa mga bakas ng kanilang pagdating at pananatili
Sa mga pahina ng ating panahon.
Sa lahat ng kaisa ko sa paninindigan at pag-asa.
Sa lahat ng naglalaan ng mga kamay para sa kapakanan ng kapuwa
Kakilala man o hindi
May pangalan man o wala
Dahil ang kanilang buhay ay karugtong ng lahat ng buhay
Halinang ikasal ang ating mga anak
Sa kinabukasang matiyagang hinahawan
Ang buhay nila’t buhay natin
Sa kalayaan, ang ating isip sa magagandang pangarap
Ang ating mga puso sa pag-ibig
Dahil sa sandaling lumamig ang apoy ng pag-ibig
Ang tao’y mamamatay sa ginaw.