Raqi’s Secret Files

Raqi’s Secret Files

By Love Radio ManilaFictionDrama
Download on the App Store

All Raqi’s Secret Files episodes

  • Sa opisina kami naglalampungan ng kabit ko

    “In love ako sa kaniya, pero pareho kaming may asawa. Kabit namin ang isa't isa.”Ibinahagi ng letter sender ang kanyang pinagdadaanan bilang isang asawang nasa long-distance relationship at may apat na anak. Dahil malayo ang kanyang asawa, unti-unti siyang naging malapit sa katrabaho niya, na kapwa niya may asawa. Sa una ay simpleng kuwentuhan at pagtutulungan lang ang namamagitan sa kanila, pero kalaunan ay nahulog na rin ang loob niya rito. Ngayon, nahihirapan siyang pigilan ang nararamdaman dahil si Kobe ang madalas niyang nasasandalan sa araw-araw, habang pilit naman niyang pinanghahawakan ang pagsasama nila ng kanyang asawa. Ito ang secret file ni Paloma.

    13 min
  • Isang milyon ang binayad ko para sa sandaling kasiyahan

    “Alam kong wala na akong kontrol. Paano ba ako makakabangon sa ganitong sitwasyon?” Ibinahagi ng letter sender, 32 anyos at kasalukuyang nagtatrabaho sa Europe, ang lihim niyang pagkalulong sa online gambling na hindi alam ng kanyang asawa at pamilya. Nagsimula lang ito bilang pampalipas-oras, pero kalaunan ay nauwi sa mahigit isang milyong pisong talo, sunod-sunod na utang, at pagkaubos ng perang pinaghirapan niya pati ng nakalaan sana para sa kanilang bahay at kinabukasan. Kahit mas nagsisikap siyang magtrabaho para makabawi, lalo lamang siyang nalulubog dahil paulit-ulit siyang bumabalik sa pagsusugal. Ngayon, bukod sa takot na malaman ng asawa niya ang lahat, hirap na rin siyang kontrolin ang sarili at hindi alam kung paano magsisimulang bumangon. Ito ang secret file ni Mia.

    14 min
  • Kabit ko ang kumpare ko

    “Nahulog ang loob ko sa taong hindi naman dapat.”Ibinahagi ng letter sender, 25 anyos mula Bicol, ang kuwento kung paano nauwi sa lihim na relasyon ang sampung taon nilang pagkakaibigan ng kaniyang best friend na ngayon ay kumpare na niya. Nagsimula ang lahat nang muli silang magkalapit matapos ang ilang taong hindi pagkikita, hanggang sa unti-unting naging mas malalim ang kanilang samahan. Ang komplikasyon? Pareho silang may karelasyon at kasal na ang lalaki. Sa kabila ng lahat, hindi niya napigilang mahulog sa taong matagal na niyang pinagkakatiwalaan, pero isang pangyayari ang nagmulat sa kaniya sa bigat ng kaniyang ginagawa at sa posibleng mawala sa kaniya. Ito ang secret file ni Yanyan.

    13 min
  • Na-wrong send ako sa girlfriend ng tropa ko

    “Hindi porke kaibigan, eh dapat mo nang abusuhin.”Ibinahagi ng letter sender ang kuwento tungkol sa best friend niya na sobrang in love sa girlfriend niya at handang gawin ang lahat para mapasaya ito. Ang malupit dito, may MALAKING kasalanan siyang nagawa! Ito ang secret file ni Goldie.

    14 min
  • Anong laban ko sa tunay na jowa mo?

    "Oo, kabit ako. Masaya ko kapag kasama ko siya, pero minsan, naaalala ko, may jowa pala 'to. May special person pala 'to sa buhay niya. Ano bang laban ko?"


    Ibinahagi ng letter sender ang komplikadong sitwasyon niya sa ka-situationship niyang nakilala niya sa dating app. Paano ba naman, ginawa siyang kabit nito! Magwagi kaya siya sa pang-aagaw o siya rin ba ang iiyak sa huli? Ito ang secret file ni Bob.

    12 min
  • Inesmiringhoy ko sa banyo ang kumare ng misis ko

    “Kung papipiliin ako kung siya o ang pamilya ko, pipiliin ko ang pamilya ko.”Ibinahagi ng ating sender, 46 anyos mula Palawan, ang lihim niyang relasyon sa kumare ng kanyang misis na nakilala niya sa isang simpleng salu-salo. Nagsimula ang lahat sa paghanga at tukso hanggang sa mauwi ito sa isang lihim na relasyon na patuloy nilang itinatago. Dahil sa trabaho niya bilang tour guide, madalas siyang malayo sa pamilya, pero sa halip na misis at mga anak ang mamiss niya tuwing umuuwi, ang kumare na ang laman ng isip niya. Alam niyang mali ang ginagawa nila at ayaw niyang masira ang pamilya niya, pero nahihirapan siyang tuldukan ang relasyong hindi niya inaasahang hahantungan niya. Ito ang secret file ni Arnold.

    13 min
  • Pumayag akong maging kabit ng amo ko

    “Nakipagrelasyon ako sa amo ko. May asawa't anak na siya, pero 'di ko natiis..”Ibinahagi ng letter sender ang naging lihim na relasyon niya sa isang babaeng may asawa at anak na nakilala niya habang nagtatrabaho bilang driver. Nagsimula ang lahat sa simpleng kumustahan at kuwentuhan tuwing hatid-sundo niya sa amo, hanggang sa unti-unti silang nagkaroon ng espesyal na nararamdaman para sa isa’t isa. Sa kabila ng saya ng kanilang pagsasama, alam niyang may pamilyang maaaring masaktan sa ginagawa nila. Ito ang secret file ni Dondon.

    12 min
  • Na-factory reset ako ng babaeng manloloko

    Akala ko sa wakas natagpuan ko na ang taong mamahalin ako nang walang pag-aalinlangan.”Ibinahagi ng caller, isang bisexual, ang kuwento ng pagmamahal niya kay Alex, isang babaeng nakilala niya sa kanilang pinagtatrabahuhan. Masaya siyang natagpuan ang isang taong tanggap ang kanyang pagkatao, kaya hindi siya nagdalawang-isip na pumasok sa isang relasyon dito. Pero habang tumatagal, nakaramdam siya ng kakaiba nang mapansin niyang tila may espesyal ding closeness ang isa sa kanyang matagal nang kaibigan at katrabaho. Lalong naging mabigat ang sitwasyon nang may matuklasan siyang hindi niya inaasahan, na nagdulot ng matinding pagdududa, insecurity at sakit, lalo na dahil taong pinagkakatiwalaan niya ang nasasangkot. Ito ang secret file ni Mark.

    26 min
  • Nahuli ko ang anak ko na ginugupit ang kaniyang....

    “Hindi sila pabigat. Bagkus sila ay blessings mula kay Lord.”Ibinahagi ng letter sender ang isang nakakaaliw pero nakakagulat na karanasan niya bilang ina ng isang batang may autism spectrum disorder. Habang abala siya sa pag-aasikaso sa mga nakababatang anak, tahimik palang may ginagawang kakaiba ang kanyang panganay sa kuwarto. Nang silipin niya ito, laking gulat niya nang makitang ginupit ng anak ang sarili nitong buhok dahil naiinitan daw ito. Sa kabila ng kalokohang nangyari, ipinakita nya ang kahalagahan ng pag-unawa, pasensya at paggabay sa mga batang may special needs. Ito ang secret file ni Daniela.

    10 min
  • Nag-OFW ang asawa ko paramagka-foreign kabit

    “Binenta ko ang sarili kong dangal para lang makaahon kaming dalawa sa hirap.”Ibinahagi ng letter senfder ang masakit niyang karanasan sa piling ng lalaking minahal niya mula pa noong high school. Sa edad na 14, nabuntis siya at maagang hinarap ang responsibilidad bilang ina, habang nagsisikap na maitaguyod ang pag-aaral at pangarap ng kanilang pamilya. Marami siyang isinakripisyo para makaahon sila sa hirap, pero nang makapagtrabaho na sa Taiwan ang asawa, natuklasan niyang niloko siya nito. Sa kabila ng pagbuti ng kanilang buhay pinansyal, nanatili ang sakit, pagod at pakiramdam na hindi pinahalagahan ang lahat ng kanyang ginawa. Ito ang secret file ni Lai.

    12 min