
Sign up to save your podcasts
Or


In time for Click's 21st anniversary today, December 4, nakipag-marehan ako sa apat sa favorite nating girls ng Click: Tricia Roman, Trina Zuniga, Maybelyn dela Cruz, and Danica Sotto! At sa first part ng marehan namin, napag-usapan namin ang ilan sa mga hindi nila makakalimutang moments sa Click and even yung mga first time nilang napanuod, kasama na ang kaka-upload lang noong time na yun, ang isa sa mga tumatak na episodes ng Click, ang death ni Melai (played by Trina)! Kumusta nga ba ang samahan ng Click girls noong time na yun at ano nga ba ang feeling na maging part ng isang youth-oriented show? 20 years later, ano ang mga napansin nila sa kanilang characters na sina Issa, Melai, Rosario, at Kara? Sama-sama tayong mag-rewind while we learn new interesting stories as the we reminisce the Click days here on ReWINEd: A Throwback Podcast. Say Click!
Can you still remember the toys na kinaadikan mong paglaruan noong bata ka, like Play Doh, Barbie, Trolls, lutu-lutuan, at paperdolls? Kasama ka ba sa mga batang na-impluwensyahan ng mga commercials para magpabili ng toys? For a change, we're veering away from the usual Pop culture topics (although mayroon pa ring references, of course) as we all look back at our childhood memories with our favorite toys kasama ang apat sa mga kaibigan ko at kasama ko sa panulat sa showbiz: Kate Adajar, Maureen Belmonte, Jho Jimenez, and Pink Siazon! Listen as we rewind to some of our favorite memories at kung paano kami nahubog ng mga laruang aming kinaaliwan during our childhood.
Isa ka bang Swiftie? From a scale of Teardrops On My Guitar to All Too Well, gaano ka naka-relate sa mga songs niya? Na-feel mo ba minsan na para sa 'yo ang mga kanta niya? Anong favorite song mo from Speak Now, Red, 1989, at Reputation? Listen as Jimpy and Macee share their favorite Taylor Swift moments, the albums they always listen to, and the Taylor Swift songs that they feel were written for them.
NOTE: This episode was recorded way back in May 2021.
Fan ka rin ba ng sitcom na Friends? Sino ang favorite character mo? Na-in love ka rin ba kina Rachel at Ross, at Monica at Chandler? Were Rachel and Ross are really on a break? This is the one episode you would wish to listen to and you will want to! Pakinggan ang kwentuhang ng magkakaibigang sina Jimpy, Kyla, at Yani tungkol sa kanilang favorite sitcom na Friends and how it brought relief and happiness in their lives.
Siguradong halos lahat ng '90s teens (and even kids!) ay dumaan sa panunuod ng T.G.I.S. or Thank God It's Sabado, isang youth-oriented show sa GMA-7 na ipinalabas noong 1995 to 1999. Sino ba namang hindi kinilig sa love team nina Angelu de Leon at Bobby Andrews at umaasang magiging sila in real life, o kaya naman naaliw sa pagpapatawa ni Red Sternberg? In this episode, Jimpy brings along his two friends "Brux Solina" and "Abbygale" (dahil ayaw nilang magpa-pangalan!) para balikan ang ilan sa kanilang favorite memories from T.G.I.S. at paano nakatulong ang show na ito sa pagbuo ng kanilang friendship despite coming from different generations!
How do you spend your Saturday and Sunday afternoons? Kasama ka ba sa mga naki-barkada sa T.G.I.S., Gimik, G-Mik, Tabing Ilog, at Click? Kaninong love team ka kinilig: Peachy-Wacks/Pancakes-Cookie at Bianca-Inaki ng T.G.I.S, Toni-Anton/Marshy-Mallow ng Click, Diane-Ricky ng Gimik, Eds-Rovic ng Tabing Ilog, or Jelai-Jun Jun ng G-Mik? I'm sure dumaan kayo sa phase na nagkaroon kayo ng crush sa isa kina Rico Yan, Bobby Andrews, John Prats, Carlo Aquino, Dingdong Dantes, Patrick Garcia, Sherwin Ordonez, at Richard Gutierrez at naaliw sa pagkakikay nina Angelu de Leon, Antoinette Taus, Roxanne Barcelo, at Heart Evangelista! Pero paano nga ba na-influence ang mga buhay natin ng panunuod ng youth-oriented shows? This is Jimpy again at samahan niyo kami ng kaibigan kong si Rizza for another Saturday wine night, this time rewinding to our memories about the youth-oriented shows that made us!
From the publisher's feed