Sa ilalim ng Fisheries Code, nakalaan ang 15-kilometrong municipal waters para sa maliliit na mangingisda. Pero sa kabila ng umiiral na batas, nananatili ang mga usapin hinggil sa karapatan nila sa karagatan at sa kinabukasan ng kanilang kabuhayan.
Samahan si Sonia P. Soto at Pablo Rosales, Pangulo ng PANGISDA-Pilipinas, sa pagtalakay sa kalagayan ng sektor ng pangisdaan, at kahalagahan ng municipal waters sa seguridad sa pagkain ng bansa.
Sa isang bansang napapalibutan ng dagat, ano ang nakataya kapag nahaharap sa iba’t ibang hamon ang sektro na tumutulong magbigay ng pagkain sa milyun-milyong Pinoy?