Ulan,
ano ba ang nararamdaman mo sa tuwing umuulan?
Diba bigla nalang sumasagi sa isip mo ang mga alaalang nakaraan?
Mga alaala na matagal nang nabaon sa isip mo.
Pero kapag umuulan kusa itong bumabalik sayo.
Lumipas man ang panahon, minsan pa nga ilang daan taon. Nararamdaman mo parin yung lungkot, sakit at saya na dala ng mga alaala.
Minsan kahit sabihin ng isip mo na kalimutan na ito kasi parti na ito ng nakaraan. Ngunit ang puso mo nagsasabing wag mo ito kalimutan, dahil naging parti ang nakaraan sa iyong kasalukuyan. "