Sa episode na ’to, bumalik kami sa mga alaala ng pagkabata—mga unang encounter namin sa mga batang may disability. Noon, "special" lang sila sa paningin namin. Walang nagsabi kung ano ba talaga ang kondisyon nila. Wala ring nagturo kung paano ba sila kausapin o irespeto.
Pero ngayong mga tatay na kami, at lalo na ngayong Autism Awareness Month, mas malinaw na sa amin kung gaano kahalaga ang empathy, respeto, at tamang kaalaman.
Kwento ng takot, pagkalito, pagkakaibigan, at unti-unting pagtanggap. Kung may kakilala kang may anak na may espesyal na pangangailangan—o gusto mo lang mas maintindihan ang ganitong realidad—makinig ka na.
Kasama ka sa kwentuhan. Sama-sama tayo sa Tatayhood.
This episode is brought to you by Bingo Plus, Bingo sa Saya, Plus sa Panalo!