The Banyo Show

The Banyo Show

By AdrianLeisure
Download on the App Store

The Banyo Show episodes

  • S2EP04: Queerness vs Religion
    Maligayang buwan ng bading pa rin sa ating lahat! Sa episode na ito, ating pag-uusapan ang malaking impluwensya ng relihiyon at simbahan sa ating kabaklaan. Ito ba ay kalaban o kakampi sa ating laban tungo sa kasarinlan at kalayaan sa kasarian? Queerness vs Religion o Queerness and Religion? Kaya naman, tutok na sa The Banyo Show! #SOGIEEqualityNow
    43 min
  • S2EP03: Saan Galing Ang Mga Bakla?!
    Bakla, bakla, saan ka nagmula? Sa episode na ito, ating babalikan ang mahahalagang pangyayari sa ating kasaysayan na humubog sa kung ano at saan ngayon ang sangkabaklaan. Mula noon, hanggang ngayon, bading ang lugar mo ay sa pakikibaka. Ang ating panawagan dito sa banyo #SOGIEEqualityNOW
    45 min
  • S2EP02: Pinanganak Kang Rejected, Mamamatay Kang Rejected!
    Mahiwagang salamin, kelan niya ba aaminin kanyang tunay na pagtingin? Pak! Hindi niya pala inamin kase wala naman siyang gusto sa’yo. Ganon, ang rejections. Sa pag-ibig, acads, friends, at family, hindi talaga mawawala ang rejections. Dumadaloy na ‘yan sa dugo mo, ika nga. Pinanganak kang rejected, mamamatay kang rejected. Kaya ngayon pasok ka muna sa - The Banyo Show!
    P.s. Pasensiya sa 3 hours late upload dahil nakalimutan ko hindi pala naka draft ang episode na ‘to. Sorry na.
    51 min
  • SEASON 2 TRAILER
    Mabuhay! May nagbabalik! Ang nag-iisang tagapangalaga ng brilyante ng banyo para sa ikalawang yugto ng pinakabonggang podcast! Abangan ang mga pasabog sa Season 2 ng The Banyo Show!
    1 min
  • EP012: Never Have I Ever
    Salamin, salamin sa dingding, pwede mo bang sabihin kung Never Have I Ever? Bogsh! For our last episode, sasagutin natin ang mga nagbabagang never have i ever questions balagadam balagadum. Bakit parang ambabantot ng mga tanong? Kaya naman, pasok na dito lang sa The Banyo Show!
    P.s. Sorry na po sa very late last two episodes na season ender. Enjoy mwah!
    42 min
  • EP011: Looking back at our HERstory
    “Each time a woman stands up for herself, without knowing it possibly, without claiming it, she stands up for all women.” - Maya Angelou
    Sa buwan ng Marso, ating ginugunita ang International Women’s Month. Ngayon, higit kailan ay ating pinag-iigting ang mga nagawa at mga tagumpay ng mga kababaihan. Ngunit, marapat lamang na huwag nating makalimutan ang tunay na diwa ng buwang ito - ang pagpapalakas ng boses ng kababaihan laban sa diskriminasyon at anumang paraan ng pang-aabuso sa lahat ng sulok ng ating lipunan. Kaya naman, mula rito sa banyo, ang panawagan - #AbanteBabae
    42 min
  • EP010: 10 Showtime Moments To Get To Know Me (with Vice Ganda)
    What’s up my super-duper fabulous and machong madlang people!!!
    Ang mga noon-time shows ay isang malaking parte sa buhay ng mga Pilipino. Maraming kwento at emosyon ang kaakibat neto. Kaya naman, for todei’s vidyo, ating pag-uusapan ang ating paboritong noontime show, ang It’s Showtime! Sabi nga nila, makikilala mo ang isang tao base sa kanyang favorite showtime moments. Oh edi, introduce yourself dito sa - The Banyo Show!
    46 min
  • EP009: Sta. Jolens, Tulungan Mo Po Kami
    Bilang ngayon ay buwan ng mga puso, ating isasabuhay sina Direk Tonet at Direk JP ng Ang Walang Kwentang Podcast dahil tayo ngayon ay magbibigay ng advice sa mga suliraning pag-ibig. Mapapa-communication is the key ka nalang talaga, dito lang sa The Banyo Show!
    31 min
  • EP008: Pinoy Fantaseryes
    Kapangyarihan ng araw! Taglay ay liwanag! Kambal na lakas! Kami ang Super Twins!!! ICONIC!
    Hali ka na, bukas na ang lagusan! Sa episode na ito, ating babalikan ang mahiwagang mundo ng mga fantaserye na humubog sa ating mga katauhan. Sila ang dahilan kung bakit tayo bakla ngayon at syempre, ang dahilan kung bakit buong-buo ang ating childhood. Binuhay nila ang ating pantasya at binigay sa atin ang pagkakataong rumampa. Kaya pasok na. Dito lang sa The Banyo Show!
    52 min

About The Banyo Show

From the publisher's feed

Hali na't makisaya kasama ang The Banyo Show with Adrian! Tayo'y maglalakbay sa mga kwentong puno ng tawa at emosyon habang tayo'y nakaupo sa kakaibang lugar – ang banyo!