Panahon ay lumilipas
Kay bilis tumakbo ng oras
Lumalawak na ang mundong ginagalawan
Ngunit maliit lang ang kayang sugalan
Maaari bang bumalik na lamang sa nakaraan?
Kung saan walang takot harapin ang kinabukasan
Sapagkat pahirap na nang pahirap
Pati ang hinaharap ay hindi na mahagilap
Nauupos, naghihikahos, kailan matatapos?
Ay mali, makakaya pa bang matapos?
Hindi na alam kung anong dapat pakinggan,
Puso at isip ay syang pilit na naglalaban
Saan nga ba mas dapat tumungo?
Doon, kung saan tama para sa maraming tao
O dito, sa matagal nang sinisigaw ng sistema mo?
Paano na ito? Dahil kahit ako'y tila nalilito
— Kate Ella Reyes