
Sign up to save your podcasts
Or


Parang lahat may timeline. Career, love life, pera, "success." Tapos bigla na lang — feeling mo nahuhuli ka na. Pero sino ba talaga nagsabing race 'to? This episode, pag-usapan natin ang comparison, yung pressure na keep up, at bakit minsan ang tanging paraan para manalo dito ay ang tumakbo sa sarili mong pace. Tara, Brodie.
Topic Before the Topic: Alex Eala isn't a fad — she's a whole era.
From beating a former world No. 1 at Wimbledon to winning her first WTA 500 title at the Mubadala DC Open — Alex Eala just gave the Philippines its biggest tennis moment ever. Pero grounded pa rin siya sa story natin ngayon: her five-match win streak against top-10 players just ended at the Cincinnati Open. Win, lose, streaks, slumps — even the best sa mundo hindi laging pataas ang takbo. Kaya bago tayo pumasok sa "The Race Nobody Signed Up For" — si Alex Eala mismo ang proof na ang totoong flex ay yung pagbangon, hindi yung perfect streak.
Sorry sa bad audio pero sinama pa rin namin kasi ang sarap ng discussion. Medyo nag-alangan kami dun sa part na pinag-usapan namin ang horizontal forehand ni Alex Eala, so heads up dun. Pero to give you a taste of what's inside — isa sa mga tanong namin sa sarili: when was the last time you were not on your phone?
O diba? Kaya nga. Listen to this! 🎧"
Akala natin ready na tayo sa adulthood. May trabaho na, may responsibilities na, may mga pinagdaanan na. Pero may mga katotohanan pa rin na kahit paulit-ulit mong marinig, masakit pa rin tanggapin.
Sa episode na 'to, pinag-usapan namin ang isang viral list na tumama sa maraming tao. Totoo ba lahat? Applicable ba sa lahat? O baka naman kailangan lang natin marinig kahit ayaw natin?
Baka isa sa pitong 'to ang kailangan mong marinig ngayon.
Listen to this, Brodie!
> Topic Before the Topic: Ateneo Blue Eagles
> Minsan gusto mo lang magkwento. Minsan gusto mo lang may makinig. Pero bago ka pa matapos, may sumingit na ng... “Eh ako nga eh.”
Bakit ba may mga taong laging binabalik sa sarili nila ang usapan? At mas malala, ginagawa rin ba natin minsan 'yon nang hindi natin namamalayan?
Listen to this, Brodie!
> Topic Before the Topic: EV or Not?
> Minsan yung akala mong distraction… yun pala yung magbabago ng direction ng buhay mo. Hindi lahat ng detour sayang. Hindi lahat ng delay mali. At hindi lahat ng “wala sa plano” dapat iwasan. Pero paano mo malalaman kung sidequest lang ba ‘to… o ikaw na talaga yung nawawala sa main story mo? Listen to this, Brodie!
>Topic Before the topic: Ma, Anong Ulam?
> Akala mo close kayo… pero hanggang saan talaga?
May friendships na nandyan lang pag convenient. May iba, pag masaya.
Pero meron bang friendship na hindi umaalis—kahit wala nang reason to stay?
Baka mali pala yung definition natin ng “tunay.”
Listen to this, Brodie!
> Topic Before the topic: Someone said, “POV: Me pag may batang maingay na di naman cute.”
> Classic Pinoy move: may “compliment”… pero may tusok. Minsan iniisip pa natin, “buti nga nagsalita pa eh,” kaysa matahimik at walang feedback. Pero papuri ba talaga ‘to o safe way lang para maglabas ng puna nang hindi diretsahan? Kung sinasabi nating “feedback is a gift,” paano mo malalaman kung regalo nga o passive-aggressive lang? Listen to this, Brodie!
> Topic Before the Topic: Artemis 2
> Magkaiba ang basic na memory at ang multo. Yung multo, ginugulo isip mo. Ginugulo damdamin mo. Apektado ka. Meron ka ba non? Alam mo na ba gagawin kapag may multo ka? Edi listen to this!
Hindi ka na ba ganado magchurch kahit sa pagattend lang? Dati ba “active” ka tapos ngayon “lay low” ka na kasi “iba na season” mo? Ok ba mga to o hinde? Well, that is why you should listen to this!
Sa episode na ‘to, natanto namin na ayaw namin aminin na may failures kami. Don’t watch this episode para malaman kung ano nga ba failures na narealize namin PERO watch this para lang may additional perspectives for starting over. Can be for you, can be for your friend - so listen to this, Brodie!
From the publisher's feed