
Sign up to save your podcasts
Or


Break muna tayo sa Final Fantasy 9, pagusapan naman natin ang Facebook Gaming Creators. Naks! Legit na legit. Guest sa episode na ito ay si Juneau, listener siya ng show. Gusto niya i-discuss 'yung Video Game Streaming sa Facebook, interesting 'yung topic so... game! Napagusapan namin 'yung Video Game history niya, pinagkaiba ng mga batang gamers noon at mga batang gamers ngayon at 'yung estado ng video game streaming sa Facebook ngayon. Napagusapan rin namin 'yung stand namin sa giveaways at gimmicks pati na rin 'yung iresponsableng pagshe-share ng streams sa mga group na hindi naman related sa games. Tsaka, bakit nga ba cool na maging nerd at gamer ngayon? Agree ka ba na si Ch4knu ang Mark Barroca ng eSports? Tara! Game!
Optimism by Brian Altano - https://www.youtube.com/watch?v=zlMIWVKCmf0
Life Will Change - Persona 5
Forbidden Island - Cabal Online
Also,
Para sa mga listeners na mahilig sa music, may event sila Juneau sa Tomato Kick sa September 07, 7:00pm. Salonpas Night 'yung name ng event. You can follow their page on Facebook @CrazyDuckProduction for more updates. Takits sa mga tropa natin na mala-Pathetic_Kid. My Chemical Romance at Taking Back Sunday daw ang tugtugan. Taraaa!
Sa episode na 'to lasing na talaga kami. Or baka ako lang? LOL - Jhaz
Kwentuhan pa rin tungkol sa FFIX.
Mahal ba talaga ni Garnet si Queen Brahne?
Sino ang pinanalo mo sa Festival sa Lindblum? Si Zidane, Freya or Vivi?
Agree ka ba na olats ang PS4 version ng FFIX kasi walang 'Insert Disc 2, 3 and 4'?
At marami pang iba,
Tara! Tuloy ang kwentuhan at inuman.
Yep. Natuloy rin sa wakas! Final Fantasy IX episode, pero dahil sa sobrang haba ng episode pinutol ko sa dalawang part 'yung Disc 1. Upload ko rin agad 'yung part 2.
Ito 'yung unang episode ng The Gamesilog Show na magkasama kami ng mga guest at literal na nagiinuman. Guest ko si Noi at si Guls, mga barkada ko sa Taguig. Dati kasi through Skype lang ang recording e.
Tsaka one step closer na tayo sa vision ko dito sa podcast. Sana sa future may video na rin.
Anyway, napagkwentuhan namin dito kung gaano katindi 'yung pagkaka-kwento bawat characters sa FFIX, Introduction nila, motivation at pati na rin mga conflict. Pati na rin 'yung set up sa villain at mga question sa story na talagang maiintriga ang bawat gamers kung ano ba talaga ang mangyayari sa FFIX. Sana ma-enjoy niyo itong episode dahil sobrang na-enjoy namin 'to habang nirerecord namin. Lasing nga kami e. LOL
Takits sa part 2!
From the publisher's feed