The Parokyanos Show

The Parokyanos Show

By Lem Labasbas and Cris BermejoComedyComedy Interviews
Download on the App Store

The Parokyanos Show episodes

  • 040: Spotify x YouTube Wrapped

    Goods ba kayo diyan mga Kaparokya? Nitong kamakailan lang sabay naglabas ang Spotify at YouTube ng kanilang Year-ender summary ng mga pinapakinggan ng mga listener mapa- music tracks o podcast show. Kilala sa tawag na "Wrapped". Ang ating mga Kaparokya, kasama pa rin ang ating Pambansang Guest na si Adrian Gali ay pinag-usapan ang kani-kanilang mga Wrapped at magugulat kayo sa kanilang mga nasa Top List.

    Kayo mga Par! Anu-ano ang mga bumubuo sa inyong "Wrapped"? Tara! Share share naman ng inyong mga top song at artist list
    #TPSWrapped
    #TheParokyanosShow

    55 min
  • 039: ParokyaNEWS: Mga Pahabol na Issues ng 2024

    Mula sa himpilan ng balita at katatawan, narito ang The ParokyaNEWS! Tatalakayin ang mga isyu na naging laman ng traditional at social media nitong huling buwan ng taon. Tulad ng Quadcom Hearing, VP Sara ala WWE Pay-per-View promotion, at ang mainit init pa gaya ng padeklara ng Martial Law sa South Korea, ang Maris Racal-Anthony Jennings issue. Narito na ang ating mga tagapagbalita na sina Lem Labasbas, Cris Bermejo at ang Pambansang Guest/Field Correspondent, na si Adrian Gali.

    Mga ulo ng mga balita narito na!!!
    #ParokyaNEWS
    #TheParokyanosShow

    1 hr 6 min
  • 038: PAROKYAmustahan

    Tamang kumustahan lang mga Par! Ibinahagi ng ating mga hosts ang kani-kanilang mga pinagkakaabalahan habang OFF AIR ang Show. Samahan natin sina Lem at Cris sa usapang good vibes ang dala at mga impormasyon at aral na mapupulot, dito sa The Parokyanos Show!!!

    #PAROKYAmustahan
    #TheParokyanosShow

    1 hr 33 min
  • 037: Self-reward

    Mga Kaparokya, alam natin na bahagi ng buhay, lalo na ng buhay-manggagawa. Ang pagsisikap at pagtitiyaga. Partikular na din sa mga Kaparokya natin na tinaguriang mga "breadwinners". Sa episode na ito mga Par, pag-uusapan natin kasama ang Kaparokya natin, si Adrian Gali. Ano o anu-ano mga bagay o gawain ang ibinibigay niyo sa mga sarili niyo na ika nga "reward" or "treat"? Dahil ika nga, mga Par. Deserve natin 'to! at gaya ng mga popular na mga kataga "Celebrate the small wins, Success is a series of small victories."

    Tara! Mga Par, makibahagi sa usapan.
    #TPSSelfReward
    #TheParokyanosShow

    49 min
  • 036: HELLO PAR, ARBOR, AGAIN

    Inihahandog ng The Parokyanos Show...
    < Etan: "I'm Here To Borrow Again..."
    Joy-Joy: "I don't believe you!"
    Etan: "I don't expect you to.">
    Kaparokya! Minsan ba sa buhay niyo na may nanghiram ng isang bagay na mahalaga sa'yo o kaya naman hiniram niyo mismo.
    May balikan ba? O Wala na...
    HELLO PAR, ARBOR, AGAIN.
    Now showing on Spotify and YouTube, worldwide!
    #HelloParARBORAgain
    #TheParokyanosShow

    1 hr 14 min
  • 035: Parokyanos Meets Ish and the World

    Goods na goods mga Kaparokya!!! Para sa isang espesyal na episode ng The Parokyanos Show. Kung baga may sinasabi tayong "Jack of All Trades", siyempre meron din siguro, "Jill of All Trades". Ating makakasama at makikipagkuwentuhan sa Parokya, ang kasalukuyang Presidente ng Peña Madridista Filipinas, Sports and Entertainment Writer/Editor, Event Coordinator, Travel and Food Blogger, na si Ms. Ish Caparras.

    Paniguradong exciting and mouth-watering na talakayan na naman ito mga Kaparokya. Ang inyong mapapanood at mapapakinggan!
    #ParokyanosMeetsIshAndTheWorld
    #TheParokyanosShow

    1 hr 14 min
  • 034: Intergenerational Gap!

    Ang Mundo ay patuloy sa pagsulong sa kanyang panahon. Kasabay din nito ay pagkakaroon ng tinatawag natin mga pagbabago sa lipunan tulad ng sinasabing "intergenerational gap". Ating pag-uusapan ang "gap" o puwang sa pagitan ng mga nagdaang henerasyon at ang bagong henerasyon. Lalo na mga kapansin-pansin na bagay sa takbo ng lipunan.
    Madrid Talk PH: Real Madrid comeback win vs. Osasuna, RM Feminino Remontada version and RM Baloncesto status in domestic and continental leagues.
    Lahat yan ay mapapanood at mapapakinggan sa!
    #TPSIntergenerationalGap
    #TheParokyanosShow

    1 hr 12 min
  • 033: The Return of the Comeback in One!

    We Are Back!!! Mga Kaparokya. Pagkatapos ng halos dalawang linggong pahinga. The Parokyanos Show is BACK!!! The Return of the Comeback in ONE! Dahil ang Madrid Talk PH ay inyo na din mapapanood at mapapakinggan sa The Parokyanos Show.

    Buena manong topic natin sa ating pagbabalik, ay ang pagbabalik ng mga nakahiligan natin noong Online Computer Games ay nasa mga cellphone na natin. Maki-Ragnarok (Chaos) na!!!
    #TPSTheReturnoftheComeback
    #TheParokyanosShow

    52 min
  • 032: Parokyanos Club de Futbol Special: El Clasico

    Mainit na mainit na balita at usap-usapan ang El Clasico, sa mundo ng futbol at pampalakasan. El Clasico ay isang tunggalian sa larangan ng futbol sa pagitan ng magkaribal na koponan, ang Real Madrid C.F. at F.C. Barcelona.

    Binalikan ng ating mga hosts kasama pa rin sina RJ at Gideon ang mga hindi nila malilimutan tungkol sa El Clasico. Tara! Mga Kaparokyang Madridista o Barcelona supporter man, ano ang kuwentong Clasico mo?
    #TPSElClasico
    #The ParokyanosShow

    48 min
  • 031: The PAROnormal Activity

    Sa nalalapit na Undas, isang espesyal na episode ang inihahandog ng The Parokyanos Show. Magbabahagi ang ating mga hosts na sina Lem at Cris, kasama ang mga bumisitang Kaparokya na sina RJ Tolentino at Gideon Taggueg nang mga karanasan o kuwentong kababalaghan. Dagdag na din ang mga kuwentuhan tungkol sa mga palabas na napanood na nag-iiwan ng kaunting takot, pero hindi mawawalan ng tawanan at kulitan, dahil ito ay The Parokyanos Show na iyong mapapanood at mapapakinggan!

    #ThePAROnormalActivity
    #TheParokyanosShow

    51 min

About The Parokyanos Show

From the publisher's feed

Started from being football fans eventually turned to best men in life. Parokyanos CF's Lem and Cris have entered the game of life and will talk everything under the sun. Kicking off strong and that's the only goal!