Every seasoned traveler started out as a confused, clueless newbie. 'Yung tipong hindi alam kung ano ang uunahin sa airport. Or laging nakakalimutang magpapalit ng pera. Or nag-uunderestimate ng destination. Or nag-ooverestimate ng powers sa lakaran! At kahit na windang, lutang at sabaw ang pakiramdam natin at the time, it's nice to look back and see that although we're still that windang, lutang and sabaw traveler sometimes, ang point is SOMETIMES na lang. And sige na nga, may growth na rin naman.