Isang linggo bago ang halalan sa Mayo a-nuwebe, talamak at lantaran na ang mga ulat ng vote-buying sa iba't-ibang lugar sa Pilipinas. Pinipilahan ang pagbili ng boto na nagbabalatkayo bilang ayuda, mula sa mga kandidato na ang adhikain ay manalo... Pero isipin niyo, kapag ang pera ay ninakaw at hindi pinaghirapan, napakadali nitong ipamudmod sa iba, subalit kung ang pera ng pulitiko ay kanilang pinagpawisan at pinaghirapan, wala sigurong kandidatong gagasta at mamimigay ng milyun-milyong pera para bumili ng boto. Kaya sa darating na eleksyon, huwag iboto ang kandidatong binibili ang inyong boto, dahil ang salaping ibinigay sa inyo ay mula rin sa perang ninakaw sa inyo, at patuloy silang magnanakaw kapag sila ay nanalo.