Ibinabahagi ng UAPSA Nationals ang “UAPSALOOBIN Bahagi 5: Basta Arkitekto, Sigurado.” isang kaganapang espesyal ng UAPSALITAAN. Naglalayong magbigay ng pagninilayan at pagkilala sa karanasan ng isang indibidwal sa pamumuno, mabuting pamamahala, mga hakbangin sa arkitektura at kanilang pag-asa para sa isang magandang kinabukasan para sa bansa at sa mga mamamayan nito.
Sa pagtatapos ng panayam,isang ‘trivia question’ ang ilalabas na dapat mong sagutan. Ita-tally ang nakuhang puntos sa pagtatapos ng limang bahagi ng ating UAPSALOOBIN at ang may pinakamalaking puntos ay mananalo ng “Sure Ka Na Ba Sa Arki?” ni Ar. Maan Mallare at Canva Premium Account. Ang kasunod na apat na may mataas na puntos ay mananalo din ng Canva Premium Account.