
Sign up to save your podcasts
Or


How you doin'? Oh. My. God. Warning! This episode will include some *spoilers* from the F.R.I.E.N.D.S. reunion. Join us in this special episode where we share our favorite characters, episodes, and scenes from the series and the reunion. If you don't have a "pla", just go and grab your favorite sandwich while you listen to us because we guarantee you that this episode is not just a moo point.
Ang iniiiiiiiit! Meron tayong dalawang season sa Pilipinas: Wet and Dry Season or Tag-Ulan at Tag-Araw. Maliban sa Pasko, ang Summer season ay panahon din para makapag-reunion at magsama-sama ang pamilya, magba-barkada, magkaka-trabaho, magkaka-klase, at magka-kaibigan. Mapa-resort, swimming pool, ilog, falls, o dagat man 'yan, ang importante magkakasamang tumatakas sa panandaliang init na hatid ng panahon. Sa episode na ito balikan natin ang mga kwentong summer, mga drawing na plano, at mga lakad na hindi natuloy sa nakaraang dalawang taon.
The figure Php37,000 trended in the Twitter world 2 weeks ago. Feeling entitled nga ba ang Generation Z or takot lang tayo tanggapin ang katotohanan na malaking porsyento ng manggagawang Pilipino ang underpaid? Our podcast episode this week is inspired by the recent tweet of an HR officer that went viral expressing his frustrations with an applicant from Ateneo who declined his job offer. Sapat ba o kulang ang Php37,000 as an entry salary? Ikaw? Masaya ka ba sa kasalukuyang sweldo mo? Tara, pag-usapan natin 'yan!
Bakit may mga taong nananatiling single? In this exclusive tell all episode, we talked about singlehood life and being in a relationship and "almost" relationship. The joy and heartbreaks of being single and having a partner in life. In short, ang episode na ito ay para sa mga nag-mahal, nag-mamahal, at mag-mamahal. Tara, samahan kami sa isang mapusong usapan with our high school classmate and very special guest Ma'am Susan Macapia.
Hindi kami makikipag-argumento, pero para sa amin, pinakamasayang buhay ng pag-aaral namin ang High School. Bakit? Pakinggan ang episode na ito at makipag-kwentuhan sa amin habang binabalikan ang mga nakakatuwa, nakakatawa, nakakaiyak, at sana eh nakaka-inspire na mga pangyayari sa buhay High School namin.
Sa wakas, tapos na ang 2020! Lahat tayo ay umaasa na ang taong 2021 ay taon ng pag-bawi. Kaya naman hayaan niyong umpisahan na namin bumawi sa matagal naming pahinga. Para sa unang episode ng 2021, nakasama namin sa kwentuhan ang isa sa mga tropa namin noong High School. Matagal na namin gusto i-guest 'to eh, kaya excited kami makasama siya sa unang episode namin ngayong taon. Ang daming napag-usapan, 2020 review, handa noong pasko, vaccine, online classes, worries, mga plano at wishes ngayong 2021.
Puto bungbong o Puto bumbong? Ano nga ba ang tamang tawag? Sa kahit na anong okasyon, malaking parte ng mga Pilipino ang pagkain, lalo na tuwing sasapit ang buwan ng Disyembre. Kabi-kabilaan ang party, reunion, dinner dates, etc. Maaaring kakaiba ang sitwasyon natin ngayong taon dahil sa pandemya at hindi natin magagawa ang mga nakagawiang tradisyon na makasama ang ating mga kaibigan, ka-opisina, o extended families sa mga bonggang kainan. Ganun pa man tara at samahan niyo kami magutom este mag-kwentuhan at pag-usapan ang mga pagkaing pinoy na kadalasan nating inihahanda tuwing panahon ng kapaskuhan.🍗
From the publisher's feed