
Sign up to save your podcasts
Or


Paano maging responsableng marites? Halina't ating talakayin ngayong season finale ng Usapang Marites Podcast!
Limang buwan ding hindi tayo nakapag-chismisan!
Kaya naman sangkatutak na chismis ang hatid sa'tin nila Mafie at Bianky. Bakit nga ba Marites ang tawag sa ating mga chismosa? At balita namin may partner pa si Marites na itago natin sa pangalang Tolits. Bakit may doktor na nagalit kay kumareng Mafie? Sino ba ang mas chismosa: lalake o babae?
Tara na't samahan ang ating mga kumare sa kanilang chismisan!
Nabitin ba kayo sa nakaraang episode? Siyempre, tuloy-tuloy pa rin ang usapan!
Mas malalim pa sa gabi ang usapan ng ating mga kumare. Ilang kabayo ba ang kailangang ialay ni kumareng Bianky para matupad ang kaniyang pangarap? At naku, kumareng Mafie kailan ka kaya namin makikitang humahabol ng makulit mong chikiting?
Kaya't tawagin na lahat ng mga Mari sa kanto at ituloy na natin itong chismisan!
BABALA: Hindi lahat dapat paniwalaan. Mamili ka ng ichi-chismis mo kila Marisol, Marichu, at Marimar!
Naku mga ka-marites, kaya naman pala sanay na sanay sa chikahan itong si kumareng Mafie with full confidence dahil pangarap talaga niyang mag-talumpati sa harapan ng maraming tao. At ano nga ba ang sikreto sa mahiwagang nunal ng ating kumare?
At teka mga mare, hindi rin namin kinaya ang rebelasyon ni kumareng Bianky. Kaya ano pang hinihintay mo? Tawagin mo na lahat ng mga kilala mong Mari diyan sa kanto at kabilang baranggay dahil umpisa na naman ng ating chikahan!
PAALALA: Wag i-chismis ang lahat! Mamili lang ng sa tingin mo hindi fake news.
Habang matinding krisis sa mataas na presyo ng bilihin ang pinagdadaanan ng bansa, ibang krisis naman ang pinag-dadaanan ng ating mga kumare. Sa sobrang tindi ng kanilang pinagdadaanan, aba'y napa-acting na ang ating kumareng Mafie!
At dahil masarap ang libre, pakinggan ang libreng career advices ng ating mga kumare. Kaya ano pang hinihintay mo? Tawagin mo na sila Marisol, Marichu, at lahat ng Mari na kilala mo! Oras na para sa ating Usapang Marites!
TANDAAN: Piliin mo lang ang ichi-chika sa kapit-bahay. Ahihi!
Ito na marahil ang pinaka-eksplosibong rebelasyon ng mag-kumareng Mafie at Bianky sa ating mga ka-marites. Sasabihin na nila ang mga sikreto kung bakit smooth ang skin ni kumareng Mafie at kung bakit laging may dalang libro si kumareng Bianky.
Kaya't tawagin mo na ang mga kapit-bahay at kapit-baranggay para pakinggan ang isang chikahan dito sa Usapang Marites Podcast!
Paalala: Bahala ka na kung alin sa mga chika ang ipapasa sa iba. At pasensya na sa audio ni kumareng Bianky.
Sa pagpapatuloy ng ating chikahan, ini-spluk ng ating mga ka-marites ang kanilang mga bespren at kung paano sila bilang tropa.
BLIND ITEM #1: Da who itong marites na ito na umamin sa bespren niyang bet niya sana itong maging jowa?
BLIND ITEM #2: Sinetch itey na marites na iniyakan ang mga dating kasama sa ministry?
Pakinggan ang aming chikahan! Pero babala lang, piliing maigi kung ano ang ichi-chismis sa kapit-bahay.
From best friend to first love to enemy. Ano nga bang nangyari sa mga best friends nila Mafie at Bianky? At ano ba ang tipo ng mga lalake nitong mga ka-marites natin?
Pakinggan ang episode 3 ng pagiging marites natin! Babala: Ang mga chika namin dito ay pawang opinyon lamang. Mamili ka nalang kung ano ang ichi-chika mo sa kapit-bahay bukas.
Sa episode na ito, tahasang sasagutin ni Mafie ang tanong ni Bianky sa aming pilot episode. Tinalakay din namin ang mga pinagdadaanan ng mga may PCOS at kung ano-ano ang ginawa ni Mafie para mapabuti ang kaniyang kalusugan. Alamin din kung paanong napunta sa underwear ang chismisan namin at ang matagal nang pangarap ni Bianky.
BABALA: Ang mga opinyon ng bawat isa ay pawang pang-chismisan lang. Pumili ka nalang kung alin sa mga ito ang dapat seryosohin at marites-worthy na chika. Enjoy!
From the publisher's feed