
Sign up to save your podcasts
Or


Nakapanayam ni Resident Fellow Jose Mojica sina Aldrin Pentero at Joey Tabula ng LIRA tungkol sa pagsulat at pagpapalihan ng tula ngayong pandemya.
Si Joey Tabula ay nagtapos sa UP at nagsanay ng Internal Medicine sa Philippine General Hospital. Naging editor siya ng “From the Eyes of a Healer: An Anthology of Medical Oncologists” at co-editor ng “BULAWAN: Interviews with Filipino Medical Oncologists” at ng isang volume ng “Human Spirit Project.” Tinatapos niya ang kaniyang tesis para sa MFA in Creative Writing sa De La Salle University. Siya ang bagong halal na pangulo ng (LIRA).
Si Aldrin Pentero, dating pangulo ng LIRA, ay opisyal ng Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas o UMPIL at ng Filipinas Copyright Licensing Society, Inc. o FILCOLS. Itinanghal siyang Makata ng Taon noong 2017 ng Komisyon sa Wikang Filipino. Naging kinatawan siya ng bansa sa Young Writers Forum na bahagi ng The First Forum Asian Writers na ginanap sa Nur Sultan, Kazahkstan noong 2019. Siya rin ang co-editor ng Pitong Pantig, Pintig, at Pagitan: 50 Tanaga sa Panahon ng Pandemya.
Makikipagkuwentuhan sina Bebang Siy, Ella Betos, at KD Oliveros ng Pinoy Reads Pinoy Books kay Resident Fellow Jose Mojica tungkol sa kanilang book club. Ibabahagi nila kung paano naitatag ang PRPB, ang mga paborito nilang book talakayan, at mga hindi nila malilimutang engkuwentro sa mga awtor.
Si Beverly Siy, kilala rin bilang Bebang Siy, ay isang nanay na manunulat, tagasalin at copyright advocate. Aktibo rin siya sa larangan ng publishing. Isa siya sa mga Book Champion at Intellectual Property Ambassador ng ating bansa noong 2015. Nakalikha at nakapaglathala ng sampung aklat sa pamamagitan ng pagsusulat, pagsasalin, pagpapatnugot at pag-i-illustrate. Naglilingkod siya ngayon sa Intertextual Division sa patnubay ng CCP Cultural Content Department.
Si Maria Ella Betos ay isang Fund Accountant sa isang American Bank sa BGC, Taguig. Bilang moderator ng Pinoy Reads Pinoy Books, isa siyang advocate ng pagbabasa, at pagpapalaganap ng lokal na panitikan. Mahilig siya sa travel photography at sa paglikha ng kakaibang IG #hashtags. Noong wala pang pandemic, madalas siyang maglibot sa mga bansa sa Southeast Asia at sa Japan.
Si Doni "K.D." Oliveros ay mayroong mahigit sa 3,000 na pisikal na aklat sa bahay nila. Mga isang libo rito ay Pinoy books. Isa siyang IT Manager sa isang malaking kompanya sa Mandaluyong. Mayroon siyang anak at asawang nagbabalak ibenta ang mga aklat niya pag siya ay binawian ng buhay.
Makikipagkuwentuhan si Lourd de Veyra kay Resident Fellow Jose Mojica tungkol sa naging proseso niya ng pagsulat ng "Marka Demonyo," ang pinakabago niyang koleksiyon ng tula. Magbabahagi rin siya tungkol sa kanyang pagtatrabaho sa media ngayong pandemya, at sa kanyang pagguhit.
Si Lourd de Veyra ay napapanood sa News and Public Affairs ng TV5, at tumutugtog para sa bandang Kapitan Kulam. Kilala rin siyang frontman ng Radioactive Sago Project. Siya ang may-akda ng nobelang "Superpanalo Sounds" at mga koleksiyon ng sanaysay na "This Is A Crazy Planets" 1 at 2, at "Espiritu." Ang ilan sa kanyang mga koleksiyon ng tula ay "Shadowboxing In Headphones," "Insectissimo," at "Marka Demonyo or Poems on Love, Faith, and Duct Tape."
Magkukuwento si U Eliserio tungkol sa pagsusulat ngayong pandemya at magbabasa ng sipi mula sa kanyang librong "Tungkol sa Aso."
Si U Eliserio ay nagtuturo sa Unibersidad ng Pilipinas. Isa siyang kritiko, kuwentista, mandudula, at tagasalin. Ang ilan sa kanyang mga aklat ay "Wala Tayong Sasantuhin," "Kami sa Lahat ng Mataba," at "Tungkol sa Aso."
Ang "Tungkol sa Aso" ay inilimbag ng UST Publishing House.
https://bit.ly/2SAG0c6
https://bit.ly/3wFqHOo
Makikipagkuwentuhan si Ricky Lee kay Resident Fellow Jose Mojica tungkol sa musika, sa kaugnayan ng musika at new media, at kung paanong makikita ito sa kanyang mga akda tulad Para Kay B at Si Amapola. Magbabahagi rin si Ricky Lee tungkol sa kanyang karanasan bilang mentor sa napakaraming manunulat.
Jenny Ortuoste talks to Resident Fellow Jose Mojica about writing, embroidery, and her experience as the Philippines' first female jockey.
Her book, “Fictionary,” is published by the UST Publishing House.
https://bit.ly/3c8pB6k
https://bit.ly/2OYusxU
George Gonzaga Deoso and Adrian Crisostomo Ho read excerpts from their debut collections. George's book "The Horseman's Revolt and Other Horrors" and Adrian's collection "ANX" are both published by the UST Publishing House.
The Horseman's Revolt and Other Horrors
https://shopee.ph/The-Horseman%E2%80%99s-Revolt-and-Other-Horrors-by-George-Gonzaga-Deoso-i.291137203.9407303408
https://www.lazada.com.ph/products/the-horsemans-revolt-and-other-horrors-by-george-gonzaga-deoso-i1611394806.html
ANX
https://shopee.ph/ANX-Poems-by-Adrian-Crisostomo-Ho-i.291137203.9907299983
https://www.lazada.com.ph/products/anx-poems-by-adrian-crisostomo-ho-i1611416553-s6904666698.html?spm=a2o4l.seller.list.1.1eea7208wCEGNt&mp=1
Poets Deirdre Camba (O, Baby! and Tongue), Alfonso Manalastas (Bible and Belligerence), and Vincen Gregory Yu (An Ecological Disaster) talk to Resident Fellow Jose P. Mojica about writing and reading during the pandemic, and the relevance of poetry in these times.
UST National Writers Workshop fellows Ralph Fonte, Wina Puangco, Kim Crisologo, and Neil Cirilo read excerpts from their works-in-progress.
UST National Writers Workshop fellows Bimbi Arias Jose, Carmel Ilustrisismo, Elsie Albis, and Nap Arcilla talk about writing during the pandemic, and their workshop expectations. CCWLS Resident Fellow Jose Mojica serves as host.
From the publisher's feed