WTFU with Mr. Fu

WTFU with Mr. Fu

By Mr. Fu and TAGM Marketing Solutions Inc.Society & Culture
Download on the App Store

WTFU with Mr. Fu episodes

  • Episode 26 : Hunk na PangMalakasan - Aeron Cruz

    Matapang na isiniwalat ni Aeron Cruz ang kanyang mundo sa modeling at showbiz—isang mundong puno ng tukso, alok, at mapangahas na desisyon. Dito, walang preno niyang ibinahagi kung bakit mas pipiliin niya ang pagmamahal ng isang bading kaysa sa isang matrona, pati na rin ang mga indecent proposals na natanggap niya mula sa mga sikat na personalidad.

    Alamin kung paano niya hinaharap ang mga alok, kung paano siya nananatiling totoo sa kanyang sarili, at kung paano niya binabalanse ang kanyang ambisyon at prinsipyo.

    43 min
  • Episode 25 : Ang AFAM na Sagot sa Iyong Kalungkutan - Nico Locco

    Matutunghayan natin ang kwento ng isang banyagang lumipad mula Rome, Italy patungong Los Angeles, at ngayon ay piniling tahakin ang mundo ng showbiz dito sa Pilipinas—si Nico Locco. Mula sa isang tatlong buwang modeling contract noong 2023, ngayon ay isa na siyang aktor, content creator, at host na hindi lang may matikas na itsura kundi may matapang at mapangahas na personalidad.

    Alamin ang kanyang kwento ng pakikibaka, tagumpay, at kung paano niya niyakap ang kulturang Pilipino sa kabila ng mga hamon at intriga sa industriya.

    48 min
  • Episode 24 : Napahiyaw Kami sa Pinagmamalaki ni Renz Lagria

    Katotohanan, kontrobersya, at inspirasyon ang hatid ng sikat na content creator na si Renz Lagria—ang bagong paborito ng netizens sa Facebook at TikTok. Dito mo maririnig ang kanyang matapang na pananaw, kwento ng tagumpay, at ang kanyang prangkang sagot sa tanong kung sino ang mas pipiliin niya sa pagitan ng matrona at bakla, na tiyak na magpapainit ng diskusyon.

    Ipapakita ng podcast na ito kung bakit si Renz ay hindi lang basta viral, kundi isang artistang may talento, diskarte, at dedikasyon na dapat bigyan ng mas maraming oportunidad sa industriya.

    43 min
  • Episode 23 : MJ Ordillano's Revealing Interview Before He Won Mr. International Philippines

    Isang matapang at walang preno na usapan ang magbubukas ng mata mo sa realidad ng buhay, trabaho, at tagumpay—at ngayon, tampok natin si Myrone, isang gwapo, matalino, at business-minded na indibidwal na handang harapin ang anumang oportunidad basta't ito'y legal at may dignidad.

    Sa episode na ito, matutunghayan mo ang kanyang pananaw sa mundo ng negosyo, buhay ng isang modernong propesyonal, at kung paano niya hinuhubog ang kanyang kinabukasan sa kabila ng mapanghusgang lipunan.

    38 min
  • Episode 22: Ang mga Showbiz Personalities na Dumaan kay Axel Gray

    Ang lalaking dumaan sa matinding pagsubok, eskandalo, at tagumpay sa mundo ng online fame. Dito niya isisiwalat ang mga di-mapigilang tukso ng buhay, mula sa kanyang walang patid na encounters hanggang sa mga indecent proposals na tinanggap niya, pati na rin ang kanyang mga cam-to-cam na lihim na nailabas sa publiko nang hindi niya alam.

    Sa pagitan ng katotohanan at kahihiyan, matutunghayan natin ang realidad ng digital age, kung paano ka maaaring sumikat sa isang iglap at mawasak sa isang segundo, at kung paano niya ginamit ang eskandalo bilang hakbang patungo sa kasikatan.

    29 min
  • Episode 21 : Magaling Magpaligaya si Ronnie Palermo

    Mainit at mapangahas—iyan ang hatid ng WTFU sa bagong episode nitong “The Interview with Ronnie Palermo na Magaling Magpaligaya” kung saan walang preno ang mga rebelasyong magpapayanig sa inyong pandinig!


    Sa candid at walang takot na kwentuhan, inamin ng 23-anyos na bikini open model na si Ronnie Palermo ang kanyang mga naging karanasan, pananaw sa buhay, at kung paano niya hinaharap ang mundo ng adult modeling at pagpapaseksi para sa kabuhayan.

    21 min
  • Episode 20: Dating ARTISTA Ngayon GWAPULIS na - Police Officer Lucky Galang.

    Isang masayang usapan na puno ng tawanan, rebelasyon, at kapana-panabik na kwento tungkol sa buhay, talento, at karisma ng isang modernong alagad ng batas. Sa kanyang mapanuksong humor, ibinunyag ni Patrol Man Lucky Galang ang kanyang mga sikreto tungkol sa pagkakaibigan, relasyon sa kababaihan at LGBTQIA+ community, at kung paano nya nabalanse ang disiplina at saya sa kanyang buhayisang masayang usapan na puno ng tawanan, rebelasyon, at kapana-panabik na kwento tungkol sa buhay, talento, at karisma ng isang modernong alagad ng batas.

    Sa kanyang mapanuksong humor, ibinunyag ni Patrol Man Lucky Galang ang kanyang mga sikreto tungkol sa pagkakaibigan, relasyon sa kababaihan at LGBTQIA+ community, at kung paano nya nabalanse ang disiplina at saya sa kanyang buhay

    24 min
  • Episode 19: Napa-WOW Kami kay Gold!

    Kilalanin ang best actor winner na si Gold Aceron at alamin ang kanyang mga nakakakiliting sikreto kasama ang tagabulabog ng buong universe, Mr. Fu dito lang kung saan nagsisiksikan ang mga “Gwa-FU”

    17 min

About WTFU with Mr. Fu

From the publisher's feed

His interviews go beyond the typical surface-level conversations seen in mainstream media, delving deep into the personal lives and untold stories of men aspiring to make a name for themselves in the…