At nang malapit na ang ikatlo ng hapon, sumigaw si Jesus nang napakalakas, na sinasabi, “Eli, Eli, lama sabacthani?” na ang ibig sabihin ay “Diyos ko, Diyos ko, bakit mo ako pinabayaan?” (Mateo 27:46) Ang pagpapasakit ni Jesus ay patunay lamang na Siya ay Diyos na nag-anyong tao upang danasin ang paghihirap para mailigtas ang Kanyang minamahal na nilikha.