Hindi talaga atin ang mundo, tayo ay mga katiwala lamang. Kapag mali ang ownership, mali ang paggamit. Pero kapag kinilala natin ang Diyos bilang May-ari, nagbabago ang paraan ng pamumuhay natin na kung saan mas maingat, mas mapagpasalamat, at mas may pananagutan.
Sa episode na ito, pag-uusapan natin kasama si Kael Garcia kung paano nagsisimula ang creation care sa isang pusong marunong sumuko at kumilala sa Diyos bilang tunay na Maylikha at May-ari ng lahat.