ALPodcast

ALPodcast

By Alyansa ng mga Panulat na SumusuongArtsBooks
Download on the App Store

ALPodcast episodes

  • Mga Ibinoteng Liham: Liham Mula kay Appy Pidal

    Mga kuwento ng pag-ibig. Mga kuwento ng pakikibaka. Mga kuwento ng buhay.

    Hanggang saan ang kaya mong isakripisyo para sa iyong propesyon at pinaniniwalaang ibang porma ng pag-ibig? Gaano kahirap abutin ang pangarap na

    magsilbi hindi lamang para sa sarili kung hindi para sa bayan? Ano ba ang kaya mong gawin at bitbitin para lamang masabi mong nagampanan mo nang marangal ang iyong tungkulin bilang mamamayang umiiral sa ating lipunan?

    Sa episode na ito ay makakasalubong mo ang ibang porma ng pakikibaka na magpapaalala sa'yo na hindi dapat ikanalulungkot ang buhay na inilaan sa paglaban – ito ang buhay na dapat pinagpupunyagian at ipinagpapatuloy kasama ng iba.

    16 min
  • ALPAS Playlist: Kulang na Silya

    Sa kauna-unahang pagkakataon, inihahandog ng ALPodcast, ang orihinal na awiting pinamagatang "Kulang na Silya". Matagpuan nawa ng bawat isa ang kulang sa sarili.


    Sa liriko ni Issabel Miraflor

    Sa tinig ni Sofia Loureen Magayam

    Sa melodiya ni Dan Kinneth Torres

    Sa instrumento ni Carlo Enrile

    Sa direksyon ni Alma Mae Becong


    Maligayang pakikinig!

    5 min
  • Episode 2: Mitolohiya at Politika

    Sinuyod at ginalugad namin ang sulok-sulok at mga pagitan sa ilang mahalagang usapin sa Netflix Animation Series na "Trese" (2021) bilang lunsaran ng talakayan sa ugnayan ng hiwaga ng mitolohiyang Filipino at politika bilang tugon sa umiingay na diskursong nakakabit dito.

    1 hr 27 min
  • Episode 1: Kasarinlan at Kasarian

    Ang kauna-unahang episode na may temang, "Kasarinlan at Kasarian" bilang tugon at pagbubunyi sa Pride Month at Araw ng Kalayaan sa Pilipinas ay pumapaksa sa mga akda ng mga manunulat sa Panitikang Filipino: "Katalo" (1994) ni Tony Perez, "Pamamanhikan" (2013) ni Bernadette Neri, at "Attack of the 50 Foot Transwoman" (2021) ni Paul Cyrian Baltazar.

    1 hr 23 min

About ALPodcast

From the publisher's feed

Lingguhang pag-uusap ng mga kabataang manunulat at mambabasa na miyembro ng Alyansa ng mga Panulat na Sumusuong (ALPAS) tungkol sa panitikan, panulat, at pag-ibig. Kaugnay rin nito ang pagtalakay sa…