
Sign up to save your podcasts
Or


NagAmbag ako ng limang mindset na ginawa ko para ma-achieve ko ang ilan sa kung ano at meron ako ngayon.
Nagbigay din ako ng collective guidance message gamit ang isa sa mga regular kong gamit na oracle cards.
Daan kayo at pakinggan ang Ambag ko para sa Episode 2, Season3 ng Ambagan Sessions the Podcast.
Follow me on IG @chard_ambagansessions
Kamusta mga Ka-Ambagan Sessions!
Ambagan Session patungkol sa realization na ayoko na ng ginagawa ko pero may choice ba ko?
Samahan kami sa aming Ambagan at baka may ma-Ambag din kami para meron kang option :)
Special Guest:
Harvey Valdez
Ambagan Sessionistas:
Chard
Ivan
Kamusta mga ka-Ambagan Sessions!!! Sa lakbay ng buhay - may mga kanya kanya tayong byahe. Minsan patag, minsan malubak. Pwedeng maalon, pwede din kalma. May kasama ka man o wala, dala dala natin ang sarili natin para harapin ang byahe na yun. Para sa panimula ng Ambagan Sessions Podcast Season 2, saglit naming binalikan ang naranasang bigat ng kahapon at paano ito nalagpasan. Hindi kami perpekto at hindi masasabing wala ng haharaping pagsubok. Ngunit ang kwentuhang ito na hango sa aming naransan, ay magsisilbing paalala na maganda ang buhay at laging magkaroon ng tiwala sa sarili na kaya mong labanan ano man ang hamon ng bukas.
Kamusta mga ka-Ambagan!
Para sa Season ender ng Ambagan Sessions Podcast Season 1, aming napagambagan ang mga estilo namin sa kung paano kami nagtitipid sa mga bagay bagay.
Halina't maki-Ambag kung papano nga ba ang magtipid.
Kung mabigyan ka ng pagkakatanong magbigyan ng unlimited funds at time ano ang gagawin mo?
Halina't magAmbagan tayo ng ating mga plano.
Ano man estado natin sa buhay, hindi maiaalis na minsan ay magbalik tanaw sa nakaraan. At sa ating mga maswerteng nakapagtapos ng pagaaral sa kurso na ating pinasok, may mga pagkakataon bang gusto mong baguhin ang tinahak mong daan kung ano ka man ngayon ? Tara sali ka sa aming Ambagan Sessions ng balik tanaw kung fresh grad kami uli!
Ambagan Sessions Podcast EP10 Ambag kong YouTube channel
Isang ambagan na naman ang naganap upang mapagusapan ang mga kasalukyang YouTube channel na sinusubaybayan ng ilan sa tampok na Ambagan Sessions casters. Ito'y hindi review at ang mga nabanggit na YouTube channel ay personal na napili dahil sa impact sa caster na nagsabi neto. Tara at alamin ang kanilang sinusundan na YouTube channel at baka maging intersado ka din sundan sila kung hindi ka pa nakadikit sa kanila. Sa aming mga tagasubaybay, magcomment ng inyong sinusundan na YouTube channel na nagbibgay ng inspiration sa inyo bilang ambag natin sa bawat isa.
YTC: https://youtu.be/1aHfIonUejY
Ambagan Sessions Podcast EP9 - Kaibigan for keeps
Bukod sa kamag-anak na kinalakihan natin, meron tayong mga nakilala along the way mula pagkabata hanggang tumanda.
Sila yung naging kalaro mo ng patintero, text, agawan base at mga larong kalye na ngayon ay bihira ng makita.
Sila din ung nakilala mo noong nagsimula kang pumasok sa eskwela at magtapos. Hanggang magtrabaho or magnegesto tiyak na may makaksalubong kang ganito.
Sila yung mas matagal mong nakakasama once lumabas ka na ng bahay.
Niluma man ng panahon at pinaglayo ng pagkakataon, sila ay maituturing na Kaibigan for keeps.
Ambagan Sessions Podcast EP8 - Parenting
From the publisher's feed