
Sign up to save your podcasts
Or


Ambagan Sessions Podcast EP7 Noon at Ngayon
"Nothing is permanent in this world except change." Karamihan sa tin nagkakilala noong mga estudyante pa tayo, at ngayon karamihan sa tin meron nang mga estudyanteng pinapaaral. Noon, feeling natin sobrang old school ng mga matatanda, ngayon tayo na yung old school. Ano ba yung mga bagay o karanasan natin noon na nakatulong sa paghubog ng pagkatao natin ngayon, at ano naman yung mga bagay o karanasan ngayon ang naging essential na sa buhay ninyo ngayon?
https://www.facebook.com/pg/ambagansessions
Disclaimer: Caster’s views and opinion are based on personal experiences that are being shared within the podcast session. There is no intention to mallign any religion, ethnic group, club, organization, company or individual.
Ambagan Sessions EP6 - Wake up call
Minsan sa buhay natin ay may nakakasalubong tayong mga situation, bagay o tao na nabibigay resulta ng buhay natin ngayon. Hindi mo man ito pansin, nagdudulot ito ng malalim na kahulugan sa ating desisyon kapag ikaw ay nakaramdam ng "Wake up call". Ang wake up call na marahil ay isa sa mga bagay na magtutulak sa iyo na kumilos at upang mabago ang pangkasalukyan. Mula sa pagiging malusog na pangangatawan, maayos na emosyon at pagiisip, hanggang sa pagkakaroon ng maayos na buhay - Ang wake up call na marahil ay isa sa mga bagay na magtutulak sa iyo na kumilos at upang mabago ang pangkasalukyan. Halina't sumilip sa aming Ambagan Session kung saan kami'y ay nagambagan ng aming mga napagdaanan ng kami ay nagkaroon ng wake up call sa buhay.
https://www.facebook.com/pg/ambagansessions
Disclaimer: Caster’s views and opinion are based on personal experiences that are being shared within the podcast session. There is no intention to mallign any religion, ethnic group, club, organization, company or individual.
Ambagan Sessions EP5 - Phobia
Nung bata tayo, takot lang tayo sa magulang natin, na habang tumatanda tayo at nagkakaisip ng sarili ay nawawala o nag-iiba naman. Pero ang hindi nawawala ay yung pakiramdam ng takot. Hindi masayang pakiramdam to kaya hangga't sa maaari ay iniiwasan natin yung mga bagay na magbibigay sa tin ng pakiramdam na to. Sa darating na ambagan, pag-uusapan natin ang phobia - yung mga sobra o di natin maintindihan bakit natin ayaw o kinatatakutan.
https://www.facebook.com/pg/ambagansessions
Disclaimer: Caster’s views and opinion are based on personal experiences that are being shared within the podcast session. There is no intention to mallign any religion, ethnic group, club, organization, company or individual.
mbagan Sessions EP4 - Pride
Sa seven deadly sins, nasasabing Pride ang "deadliest" kasi pag meron ka nito, kaya mong gawin yung anim pa nang walang pagsisisi dahil sa sobrang paniniwala mo sa sarili. Pero isa din naman sa mga kilalang motivational quote ay "if you don't believe in yourself, no one else will" na somehow ay related din sa pride. Isang polarizing concept ang pride dahil dito. Kung wala ka nito, maaari kang yurakan ng iba, pero kung sobra ka naman nito, baka ikaw naman yung nangyuyurak ng iba. Ano ba yung kulang, kelan ba masasabing sobra? Ambagan tayo ng mga experience natin tungkol dito!
https://www.facebook.com/pg/ambagansessions
Disclaimer: Caster’s views and opinion are based on personal experiences that are being shared within the podcast session. There is no intention to mallign any religion, ethnic group, club, organization, company or individual.
Ambagan Sessions EP3 - Mga bagay na nalaman/natutunan habang lockdown
Tinigil ng pandemic ang mundo at nagkaron ng mga lockdown o orders to stay at home ang karamihan sa atin. So yung norms natin nabago. May mga nagsasabi na you should use this time to be more productive, to learn new skills, pero meron din naman nagsasabi na enjoy the calm it brings. Given that: - may mga nadagdag ba kayong skillset - natutunan tungkol sa mundo - may nalaman ba kayo sa family nyo - ano yung mga naenjoy ninyo during this time - ano naman na-miss nyo bigla samantalang dati sinusuka mo na? Halina't makiAmbag sa aming Ambagan Session EP3
https://www.facebook.com/pg/ambagansessions
Disclaimer: Caster’s views and opinion are based on personal experiences that are being shared within the podcast session. There is no intention to mallign any religion, ethnic group, club, organization, company or individual.
Ambagan Sessions EP2: Ngayong pamilyado na ako
Isang Ambagan session na naman ang naganap upang magambagan ng karansan at pananaw bilang pamilyadong tao. Mula sa gawaing bahay, desisyon, mga bata at sari-saring paksa ang aming tinalakay na maaring magbigay linaw din sa aming kasalukyang hinahaharap. Halina't makisali sa aming ambagan session "Ngayong pamilyado na ako"
https://www.facebook.com/pg/ambagansessions
Disclaimer: Caster’s views and opinion are based on personal experiences that are being shared within the podcast session. There is no intention to mallign any religion, ethnic group, club, organization, company or individual.
Ambagan Sessions EP1: First love never dies
Unang Ambagan Session kung saan nagbahagi ang bawat isa ng sariling pananaw sa kasabihang “First Love Never Dies” - oo o hindi ?.
Tinalakay din dito papaano gamitin ang FirstLove sa paksa mapatao,bagay, gawain o hilig sa buhay,etc. man ito. Magkaiba-iba man ang paningin ng casters, nagbigay daan ito upang maibahagi sa inyo na ang mahalaga ay ang mga aral at aksyon na kailangan gawin upang tahakin ang pangkasalukuyang hamon ng buhay. Halina’t makiAmbag upang maibahagi mo ang iyong pananaw base sa sariling karanasan at paniwala.
https://www.facebook.com/pg/ambagansessions
Disclaimer: Caster’s views and opinion are based on personal experiences that are being shared within the podcast session. There is no intention to mallign any religion, ethnic group, club, organization, company or individual.
From the publisher's feed