Isang podcast na sumasalamin sa tapang, kababalaghan, at kabutihang tumatawid sa henerasyon, kung saan si Jesselle— isang probinsyana mula Aklan—ay sumuong sa isang pakikipagsapalaran kasama ang kanyang mahal na lola na isang bihasang antingera. Sa kuwentong ito, matutunghayan ang di pangkaraniwang ugnayan ng
mag-lola, ang kapangyarihang taglay ng mutya ng langka, at ang pagharap ni Lola Carmina sa mga mabangis na aswang na gumagambala sa kanilang bayan.