Anong Kwenta Natin?

Anong Kwenta Natin?

By Anong Kwenta NatinComedy
Download on the App Store

Anong Kwenta Natin? episodes

  • Episode 05: The Shining of the Lambs!

    Halo halo halo! Ito ang katuloy ng Tunay na Demented sa Dementia. Nagkaroon ng technical difficulties sa recording, at naputol pa sa dulo dahil naubos ang memory ng laptop ni George. Medyo mahaba at mas seryoso rin pala ang tono ng episode pero sana ay may mapulot pa rin kayo. Mwah mwah

    1 hr 20 min
  • Episode 04: Mga Posibilidad sa Boys' Love, Chummy Edition

    Break muna sa kababalaghan (kahit panandalian lang). Wala halos ang Tabing Inuman peeps sa episode na 'to, liban na lang kay George (na todo bigay) at kay Rovic (na kasalukuyang OCW kaya guest performer lang through phone patch). Pinag-usapan sa episode ang pag-usbong ng boys' love genre sa Pilipinas, ang pagdagsa ng production nito, mga problema at posibilidad, in less than two hours! Record na rin 'yon para sa madadaldal na TI peeps.

    Samahan niyo kaming mag-ponder (yes, ponder lang) sa mga pwede pang maabot ng patuloy na pagyabong ng BL genre sa Pilipinas! Walang siraan ng puri or anything, promise! #chummy

    1 hr 43 min
  • Episode 03: Kabaliwan at Kababalaghan--Ang Tunay na Demented sa "Dementia"

    Pinag-usapan ng Tabing Inuman peeps ang lugar ng mental health sa horror. Sa episode na to, pinag-usapan ang napili ni George na pelikula--Dementia ni Perci Intalan--dahil sa takda ng roleta, at dahil Noranian kasi siya. Samahan niyo kami sa panibagong set ng kwentuhan. Enjoy!

    Ito ang page ng Ambagan Ph para sa mga nais mag-volunteer at magbigay ng tulong para sa mga nasalanta ng bagyo. 

    Follow niyo rin kami sa aming twitter page, @nongkwentanatin :) hart hart

    1 hr 9 min
  • Episode 02: Babae at Queer sa Horror, Part 2
    Because you asked for more, heto na ang Part 2 ng Babae at Queer sa Horror! Si Anne at Badong na ang nag-share dito, kasama na ng ilang soft content mula sa lahat ng Tabing Inuman peeps. Paalala rin na malala nang amats ng mga tao at tatlong oras na ang kwentuhan kaya pagpasensyahan ang mga gaps! Muli, salamat, enjoy, at tara inom!
    1 hr 38 min
  • Episode 01: Babae at Queer sa Horror, Part 1

    Pinag-uusapan ng mga Tabing Inuman peeps kung ano ang horrific para sa kanila, at ano ang papel ng mga Babae at Queer characters sa horror! Karamihan sa mga napag-usapan ay umiikot sa pelikula at kulturang popular. Walang format, walang maayos na equipment, kaya 'wag umasa sa high quality sound--dun na lang sa high quality content. Basta't kumuha ng beer, o kunin ang mga damit na naghihintay na itupi, o ang mga pinggan na dapat nang hugasan, o kaya'y mga kasamahan nating nagsisikap makatulong sa kababayang nasalanta ng bagyo, at sumama sa kwentuhan.

    Note lang na sa sobrang haba, kinailangang putulin ang episode. Pero hayaan niyo, darating din agad ang katuloy. Pag-uusapan dito ang pelikulang napili ni Eds, Fonzy at George! Abangan ang Part 2 ng episode na ito!

    Mwahugs <3

    Recorded noong unang linggo ng November.

    1 hr 49 min

About Anong Kwenta Natin?

From the publisher's feed

Tabing Inuman peeps tryna make sense of the world and finding their value in it. Wow english! Ano bang formula ni Marx sa value? Basta chika at inom tungkol sa pelikula, kanta, at iba pang bagay…