Baliwag Bible Christian Church [sermons]

Baliwag Bible Christian Church [sermons]

By Treasuring Christ PHReligion & SpiritualityChristianity
Download on the App Store

Baliwag Bible Christian Church [sermons] episodes

  • Part 3: Pagkakaisa sa Church
    Pagsisikapan nating manalangin at gawin ang lahat para mapanatili ang pagkakaisang mula sa Espiritu sa pamamagitan ng kapayapaang nagbubuklod sa atin, na may pagpapakumbaba, pagmamalasakit sa kapakanan ng iba, at pagpapatawad sa isa’t isa tulad ng pagpapatawad sa atin ng Diyos (Eph. 4:1-6, 31-32; Phil. 2:1-4).
    1 hr 1 min
  • Part 2: The Grace of Covenant Membership
    Ito ang ibig sabihin na mapabilang sa covenant people of God. Kinikilala natin na napabilang tayo dahil lamang sa biyaya ng Diyos. Hindi dahil mas karapat-dapat tayo kaysa sa iba. (By grace alone through faith alone in Christ alone). At kasama sa pagiging covenant people of God ang pagtupad ng mga obligasyon na dapat nating gawin para makapamuhay ayon sa nais ng Diyos para sa mga taong kabilang sa kanyang tipan. Hindi tayo ang nagse-set ng sarili nating rules sa covenant na ‘to. Ang Diyos ang sovereign King at tayo ay nasa ilalim ng kanyang pamamahala.
    58 min
  • Part 1: The Story of the Church as the People of God
    Tama ang sinabi ni Edmund Clowney, “The story of the church begins with Israel, the Old Testament people of God” (The Church, p. 28). So ang church ay hindi lang New Testament reality. Hindi rin ito bagong plano ng Diyos, o plan B ng Diyos. Ito ay nasa isip na ng Diyos mula sa Old Testament. Sabi ni apostle Peter sa church, “You are a chosen race, a royal priesthood, a holy nation, a people for his own possession” (1 Pet. 2:9). Siksik ‘yan ng Old Testament references. Lalo na yung sinabi ng Diyos tungkol sa Israel noong nasa Mount Sinai na sila, “…you shall be my treasured possession among all peoples…you shall be to me a kingdom of priests and a holy nation” (Exod. 19:5-6). Preached by Derick Parfan on June 25, 2023 at Baliwag Bible Christian Church Full sermon notes here:
    1 hr
  • Exodus 15:1-21 • Awit para sa Haring Tagapagligtas
    Hindi ba kayo nagtataka kung bakit ang pagkanta ay bahagi ng ating pagsamba? Every Sunday, tuwing nagsasama-sama tayo sa pagsamba, hindi kailanman nawalan tayo ng kantahan. Hindi ito for cultural reasons lang, dahil mahilig kumanta ang mga Pilipino. Inutos ng Diyos na tayo ay kumanta nang sama-sama. “Ang salita ni Cristo'y hayaan ninyong lubusang manatili sa inyong puso. Turuan ninyo at paalalahanan ang isa't isa nang may buong karunungan. Buong puso kayong umawit ng mga salmo, mga himno at mga awiting espirituwal, nang may pagpapasalamat sa Diyos” (Col. 3:16). Katunayan, isang buong libro sa Bible ang naglalaman ng 150 songs, the book of Psalms, na hindi lang “salita” ng Diyos, kundi “awit” ng mga anak ng Diyos para sa Diyos. Kakaiba ang Christianity sa ibang mga relihiyon sa buong mundo. Ours is a singing religion.
    55 min
  • Exodus 13:17-14:31 • Ipaglalaban Kayo ni Yahweh
    Sa wakas, naranasan na rin natin ang kaligtasan. Pero hindi ibig sabihin na ie-expect na natin na pagkatapos nun ay magiging maayos o smooth na ang lahat hanggang sa araw na kuhanin na tayo ng Panginoon. Hindi ibig sabihin na yung buhay ninyo ngayong nakay Cristo na—sa pamilya, sa marriage, sa finances, sa health, atpb.—ay magiging better compared sa buhay ninyo nung wala pa kayo kay Cristo. Alam naman nating posibleng hindi. At kung maka-experience man tayo ng mga difficulties, ‘wag din naman nating isipin na yung paggawa ng Diyos ay dun lang sa initial part ng salvation natin. We are saved by grace, not by works, gawa ng Diyos, oo. Pero ibig sabihin ba nun, pagkatapos nun ay ikaw na ang bahala, kaya mo na ‘yan. Hindi pa tapos ang kuwento ng pagliligtas ng Diyos sa atin. Sigurado, oo. Pero hindi pa tapos. May gagawin pa ang Diyos. And don’t expect na yung gagawin ng Diyos ay kung ano ang ayon sa expectations natin. Preached by Derick Parfan on June 4, 2023 at Baliwag Bible Christian Church
    59 min
  • Exodus 12:1-13:16 • Pag-alala sa Pagliligtas ng Diyos
    Mahalagang maunawaan ang gospel. Kung ang pagliligtas ng Diyos sa pamamagitan ni Cristo ang pinakamahalagang pangyayari sa kasaysayan—at sa buhay natin—mahalagang palaging marinig, mahalagang palaging alalahanin, mahalagang balik-balikan, mahalagang tiyakin natin na hindi natin ‘to makakalimutan. Meron kasi tayong sakit na tinatawag na “gospel amnesia.”
    1 hr 7 min
  • Exodus 11-12 • Iniligtas ng Dugo ng Tupa
    Heto ang dulo ng chapter 12, “Huling araw ng ika-430 taon nang umalis sa Egipto ang lahat ng lipi ng bayan ni Yahweh. Nang gabing iyon sila iniligtas ni Yahweh at inilabas sa Egipto...Nang araw na iyon, inilabas ni Yahweh sa Egipto ang mga Israelita na nakahanay ayon sa kani-kanilang lipi” (vv. 41-42, 51). Matagal na panahong alipin sila. Kailangan nila ng tagapagligtas. Sino? Si Yahweh ang nagligtas sa kanila. Ang tanong, paano ito ginawa ni Yahweh?
    1 hr 3 min
  • Exodus 9-10 • Yahweh vs Pharaoh (Rounds 5 to 9)
    We must realize, as followers of Christ, na hindi lang ito kuwento ng Israel. Nakakonekta tayo rito dahil kay Cristo na siyang fulfillment ng lahat ng ito. So, this is also our story as God’s people. Kaya mahalaga na hindi lang natin marinig, mapanood, ma-imagine, maramdaman yung “drama” ng kuwentong ito. Mahalaga yung tamang “doktrina” na nanggagaling sa kuwentong ito. Ano ang itinuturo nito tungkol sa Diyos natin? Tungkol sa pagliligtas ng Diyos sa atin? Tungkol kay Cristo? Tungkol sa buhay natin? May drama, may doktrina.
    1 hr
  • Exodus 7:8-8:32 • Yahweh vs Pharaoh (Rounds 1 to 4)
    Sapat na ang pruweba na ibinigay sa atin ng Diyos. Gumawa sila Moises ng himala para patunayang si Yahweh lang ang nag-iisang Diyos at ang kanyang salita ay makapangyarihan at mapagkakatiwalaan. Ngayon, hindi na natin kailangang makakita ng himala o gumawa ng himala para patunayang makapangyarihan ang salita ng Diyos. Ang muling pagkabuhay ni Jesus ang “huling himala” na kailangan natin para makumpirma na totoo nga ang mabuting balita na si Cristo ay naparito para iligtas tayong mga alipin ng kasalanan.
    55 min
  • Exodus 6:1-7:7 • Makikita Mo ang Gagawin Ko
    Mas madali kasi sa atin na tumingin sa tao at sa gagawin ng tao—sa responses ng mga unbelievers kapag nag-share tayo ng gospel sa kanila, sa responses ng mga members ng church kapag tinutulungan natin sila sa discipleship, at pati sa sarili nating magagawa lalo pa kung nakita natin yung mga failures natin o yung hindi magandang resulta ng ginawa natin. So, ang dapat nating tingnan ay kung ano ang ginagawa ng Diyos, at abangan kung ano ang sinabi ng Diyos na gagawin niya.
    1 hr 2 min

About Baliwag Bible Christian Church [sermons]

From the publisher's feed

Taglish gospel-centered sermons preached every Sunday at Baliwag Bible Christian Church in Baliwag City, Bulacan. Most of the sermons are preached by Ptr. Derick Parfan. For more Taglish…