Baliwag Bible Christian Church [sermons]

Baliwag Bible Christian Church [sermons]

By Treasuring Christ PHReligion & SpiritualityChristianity
Download on the App Store

Baliwag Bible Christian Church [sermons] episodes

  • Psalm 1 • Ang Landas ng Matuwid at ng Masama
    Purihin ka o Dios sa katotohanan na mapalad ang taong binubulay, isinasapuso at ipinamumuhay ang Inyong Salita at mga kautusan. Hindi katulad ng taong masama, na walang pagpapahalaga sa iyong Salita. Kung kaya’t ang dulo ng kanyang buhay ay kapahamakan. Mapalad kami dahil ang Salita mo ay patuloy na mag reremind sa amin and the same time magbibigay warning sa amin, ito ay means of grace, at kung gaano kahalaga na seryosohing sundin ito sa aming mga buhay. Dahil ganito naman talaga ang buhay na nakakabit kay Cristo, nananatili sa iyong mga salita at kasiyahang sundin ito. Not out of obligations but from the overflow of the heart, coming from our union with the Lord Jesus. -Ptr. Marlon Santos
    48 min
  • Romans 8 • An offering for sin
    Alam nating walang nakasunod ng perpekto sa kautusan at wala ring maliligtas sa pamamagitan ng pagsunod sa kautusan o paggawa ng mabuti. Ginawa ng Diyos ang hindi kayang gawin ng Kautusan at ginawa ng Diyos ang hindi natin kayang gawin. Christ came down to earth in the likeness of sinful flesh, as an offering for your sin, as an offering for my sin, as an offering for the sin of the world.

    Preached by Ptr. Aldrin Capili @ Baliwag Bible Christian Church
    46 min
  • Psalm 119:81-88 • Kapag Nanlulupaypay sa Paghihintay
    Isang pagbubulay sa bawat isang linya sa Psalm 119:81–88 bilang isang panalangin at pakikipag-usap sa Diyos na nagpapakita na anuman ang kalagayan mo sa buhay ngayon, gaano man kahirap, makakaasa ka na tapat ang salita ng Diyos, makakapitan ang tulong na galing sa Diyos, at sigurado ang pag-ibig ng Diyos sa atin.
    56 min
  • Exodus 20:8-11 • Pahinga at Pag-asa para sa mga Anak ng Diyos
    Nasaan ang Kapahingahan at Pag-asang Kailangan Natin? ‌ Lahat tayo ay napapagod at naghahanap ng kapahingahan. Physically, yes. Pero ang puso rin natin ay napapagod. Pinanghihinaan tayo ng loob. Kaya kailangan natin ang kapahingahan at pag-asang kay Cristo lang matatagpuan. Bawat isa sa atin ay kailangan nating tanungin ang sarili natin kung nasaan nga ba ang kapahingahan at pag-asang kailangan natin. Kay Cristo ba natin ‘yan hinahanap o hinahanap natin sa ibang bagay outside of Christ?
    1 hr 3 min
  • Exodus 20:1-21 • Ang Sampung Utos
    As we take a look at Exodus 20, ang prayer ko ay mabago itong mga karaniwang attitude na meron tayo tungkol sa mga utos ng Diyos, particularly itong Sampung Utos. Mangyayari ito kung hindi lang tayo nakafocus sa bawat isa sa sampung utos (law) kundi maging sa konteksto o sa kuwentong kinapapalooban nito (narrative context). Hindi lang ito tungkol sa kung ano ang dapat nating gawin, kundi tungkol sa ano ang ginagawa ng Diyos at gagawin ng Diyos na konektado dito.
    51 min
  • Exodus 19:1-25 • Ang Pagharap sa Diyos na Banal
    Ang isang Kristiyano ay isang anak ng Diyos. Meron tayong relasyon sa Diyos. Nagsasalita ang Diyos. Nakikinig tayo. Nag-uutos ang Diyos. Sumusunod tayo. Nilikha at iniligtas tayo ng Diyos. Sumasamba tayo. Meron tayong ugnayan sa Diyos. Pero naiintindihan ba talaga natin kung anong klaseng relasyon meron tayo sa Diyos? Take for example itong ginagawa natin every Sunday morning. Hindi lang ito pagtitipon ng mga tao. It is more than just a gathering. Ito ay pagsamba sa Diyos, pagharap sa Diyos, an encounter with God. Nakikinig tayo ng salita niya, inaawitan natin siya, nananalangin tayo sa kanya. Naiintindihan ba talaga natin ang ginagawa natin kapag natitipon tayo at sama-samang haharap sa Diyos?‌
    1 hr 10 min
  • Exodus 17:8-18:27 • Ang Tulong na Kailangan sa Paglalakbay
    Saan manggagaling ang tulong na kailangan mo? Anong sagot mo? Kay Lord manggagaling ang tulong na kailangan ko. Hindi niya kailangan ang tulong natin. He is all-sufficient. Siya eksakto ang tulong na kailangan natin. Sa kaligtasan natin. Sa paglago natin sa kabanalan. Sa pakikipaglaban sa kasalanan. Sa desisyong kailangan natin sa araw-araw. Paano tayo makatitiyak na ibibigay niya ang lahat ng tulong na kailangan natin? Ibinigay na niya si Cristo para sa atin. Christ is our salvation. Christ is our banner, our victory. Christ is our wisdom. Saan manggagaling ang tulong na kailangan ko? Kay Lord manggagaling ang tulong na kailangan ko.
    56 min
  • Exodus 15:22-17:7 • Pagkain at Pahinga para sa mga Reklamador
    ‌Kapag may mga difficulties kasi, napakadali sa atin ang makalimutan ang dakilang kapangyarihan ng Diyos na nagligtas at magliligtas sa atin. Ang dali nating pagdududahan ang kanyang pagsama sa araw-araw, at ang kanyang katapatan na tuparin ang lahat ng kanyang pangako at layunin. Tulad ng nangyari sa mga Israelita sa sumunod na bahagi ng kuwento ng Exodus, mula 15:22 hanggang 17:7. Medyo mahaba ito, at merong tatlong eksena ang nakapaloob dito. Pero merong isang tema na nagbubuklod sa lahat ng ito—yung problema nila sa pagrereklamo. Tingnan natin kung ano ang problema sa puso nitong mga Israelita sa kuwentong ito, at tingnan din natin kung paano ipinapakilala ng Diyos ang sarili niya sa mga responses niya sa pagrereklamo nila.
    1 hr
  • Hebrews 10:19-25 • Lumapit sa Diyos nang may Buong Tiwala
    Ang katiyakan ng pagtanggap ng Diyos sa paglapit natin sa Kanya ay sa pamamagitan lamang ng Panginoong Jesu-Cristo. Kung gayon, tayo ay lumapit na may ganitong katiyakan ng pananampalataya, tapat na puso, at malinis na budhi, habang nagsisikap na mahalin ang iba at gumawa ng mabuti.-preached by Ptr. Marlon Santos
    53 min
  • John 14:12-14 • Greater Works and Answered Prayers
    “Truly, truly, I say to you, whoever believes in me will also do the works that I do; and greater works than these will he do, because I am going to the Father. Whatever you ask in my name, this I will do, that the Father may be glorified in the Son. If you ask me anything in my name, I will do it.
    -preached by Ptr. Aldrin Capili
    59 min

About Baliwag Bible Christian Church [sermons]

From the publisher's feed

Taglish gospel-centered sermons preached every Sunday at Baliwag Bible Christian Church in Baliwag City, Bulacan. Most of the sermons are preached by Ptr. Derick Parfan. For more Taglish…