Baliwag Bible Christian Church [sermons]

Baliwag Bible Christian Church [sermons]

By Treasuring Christ PHReligion & SpiritualityChristianity
Download on the App Store

Baliwag Bible Christian Church [sermons] episodes

  • Exodus 20:17 • You Shall Not Covet
    Ang ika-10 utos ang huli sa sampung utos ng Diyos—last, but not the least. Mabigat. Bakit? Dahil ito ay kasalanan laban sa Diyos, kasalanan laban sa ibang tao na nilikha rin tulad natin sa larawan ng Diyos, nagbubunga ng marami pang kasalanan, at may parusang kamatayan. So, ang kasunod na tanong, paanong ang ika-10 utos ay nagtuturo sa atin patungo kay Cristo? 
    Christ is our Savior, and…he is also our Satisfaction. Kaya naman si Cristo ang lahat-lahat para sa atin.
    52 min
  • 1 John 4:7-12 • Beloved, Let Us Love One Another
    Heto ang tatlong dahilan kung bakit hindi lang tayo inaanyayahang magmahalan kundi obligado tayong magmahalan: una, ang pagmamahalan ay nagpapatunay na tayo nga ay mga tunay na anak ng Diyos; ikalawa, ang pagmamahalan ay bunga ng magandang balita ng kaligtasang tinanggap natin; ikatlo, ang pagmamahalan ay nagpapatotoo na ang presensiya ng Diyos ay nasa church natin. At lahat ng ito ay may kinalaman sa isang mahalagang katotohanan: ang Diyos ay pag-ibig, at ipinakita niya ang pagmamahal niya sa atin sa pamamagitan ng pagbibigay ng kanyang sarili sa pamamagitan ni Cristo.
    1 hr
  • Psalm 42 • Looking Up, When Feeling Down
    Kahit ang Diyos na ang nangako kadalasan naiinip pa din tayo at nag dududa. Madalas nakakahiya tayo. Nakakahiya yung pag awit natin, nakakahiya yung pagsamba natin, nakakahiya sa Diyos kung makikita niya yung laman ng puso natin habang nagpupuri tayo sa kanya, nakakahiya na nga yung pagpupuri natin, nakakahiya pa yung pamumuhay natin na katulad na tayo ng mundo. God deserves more than empty songs, He deserves more than our halfhearted, half lazy, half focused, and sleepy worship, He deserves more than leftover offerings at more than tira tirang oras. He deserves greater glory, greater worship and better worshippers.
    54 min
  • Psalm 34 • Taste And See that the LORD is Good
    “Oh, taste and see that the LORD is good!”. Sa MBB ang sinabi ay, “Tingnan mo at lasapin ang kabutihan ni Yahweh.” Pero ano nga ba ang ibig-sabihin para sa atin ng mga salitang ito? Paano ba natin magagawa na matingnan at malasap ang kabutihan ng Panginoon? Well for one, hindi natin magagawa ‘yun kung wala tayo sa Panginoon. At pangalawa, ang buong awit na ito ay tinuturuan tayo kung paano makakamit ang bagay na ‘yun.
    55 min
  • Psalm 2 • Ang Paghaharing Walang Katapusan At Hindi Matitinag
    Ang anumang masamang pagbabalak ng mga tao o kahit ang ginagawa na mismo ng tao para kalabanin ang nag-iisang hari na si Jesus, kailanman ay hindi magtatagumpay. Maaaring parang oo sa ngayon, pero kalaunan ay mauuwi sa balewala. At kung ang Panginoong Jesu-Cristo ang syang hari natin, walang duda, nasa tamang kampo tayo ng pinaka-makapangyarihang Hari.
    46 min
  • John 10:10-11 • I Came That They May Have Life
    Jesus said, “I came”. Kahit alam kong people will reject me. I came, kahit alam kong people will disrespect me. I came, kahit alam kong humanity doesn’t deserve me, we don’t deserve the gift, we don’t deserve salvation… we don’t deserve Jesus. Still, Jesus came that we may have life
    41 min
  • Psalm 32 • Repent, Restored, Rejoice
    Hindi appropriate na sabihin natin na bine-blessed ng Diyos yung isang tao, kung nakukuha ng isang tao ang mga gusto nya. Ang blessedness or true happiness ay hindi maibibigay ng mundo, it's a gift from the Lord na mararanasan lamang ng isang taong may tamang relasyon at pagkakilala sa Panginoon. At ang araw na ito ay araw ng pagsisisi at panunumbalik sa Diyos, kaya huwag mo nang ipag-pabukas kapatid.
    58 min
  • Philippians 1:28-30 • Para sa Gospel ang Laban na ito
    Ang buhay ng isang Kristiyano ay parang boxing. Sa boxing, oras na tumunog na yung bell, ito ay suntukan na or away na. Parang tayo, simula nung araw na tayo ay tumanggap sa ating Panginoong Hesu-Kristo at nag declare ng allegiance sa Panginoong Hesus, tumunog na ang bell nang ating pakikipaglaban sa mga kaaway ng mabuting balita ni Kristo. -Ptr. Robin
    52 min
  • Psalm 103 • Bless the Lord, O My Soul
    Isa itong kakaibang uri ng panalangin habang kinakausap din niya ang sarili niyang kaluluwa. Kasi posible na sa pagkakataong ito, gusto mang magpuri ng kanyang katawan, pero hindi mahanap ng kanyang puso o kaluluwa ang mga dahilan para magpuri. dahil ang totoo ay walang silbi ang papuri ng ating mga labi, ng ating mga bibig, ‘yung ating mga awitin, kung ang mga puso natin ay malayo sa Panginoon.
    55 min
  • Psalm 46 • Be Still and Know that I am God
    Maaaring dumaranas ka ngayon ng pagsubok o bagyo ng buhay, maaaring marami kang pinoproblema, maaaring dumaranas ka ng pagluha at kabigatan, maaaring nahihirapan ka sa pakikipaglaban against sa kasalanan, para bang kahit paanong gawin mong pagbalanse sa iyong bangka ng buhay ay parang tataob pa rin sa hirap ng iyong pinagdadaanan. Be still kapatid, sapagkat sinabi ni Yahweh "Be still and know that I am God."
    58 min

About Baliwag Bible Christian Church [sermons]

From the publisher's feed

Taglish gospel-centered sermons preached every Sunday at Baliwag Bible Christian Church in Baliwag City, Bulacan. Most of the sermons are preached by Ptr. Derick Parfan. For more Taglish…