Baliwag Bible Christian Church [sermons]

Baliwag Bible Christian Church [sermons]

By Treasuring Christ PHReligion & SpiritualityChristianity
Download on the App Store

Baliwag Bible Christian Church [sermons] episodes

  • Hebrews 3:7-14 • Ang Tunay na Kapahingahan Kay Cristo
    Ang tunay na kapahingahan ay matatagpuan lamang kay Cristo, at ang bawat mananampalataya ay pinaaaalalahanang mag-ingat laban sa kawalan ng pananampalataya. Sa pamamagitan ng mga babala ng Espiritu Santo, ng Kasulatan, at ng pangako ng lubos na kapahingahan, tayo ay hinihikayat na manatiling tapat at pumasok sa kapahingahang inaalok ng Diyos.
    59 min
  • Exodus 32 • Ang Gintong Baka
    Ang Diyos ng Exodus 32 ay ang Diyos nating mga Kristiyano. At ang Diyos na ito, si Yahweh, ay committed at zealous para sa kanyang sariling karangalan. Hindi niya hahayaang ang puso natin ay magpatuloy na tumingin sa mga bagay na higit na mababa ang halaga kung ikukumpara sa Diyos. God is committed in exposing our idols—hangga’t meron pang natitirang diyos-diyosan sa puso natin. At ‘wag tayong matatakot kapag ginagawa ‘yan ng Diyos.
    1 hr 2 min
  • Exodus 30-31 • Banal na Gawain, Banal na Kapahingahan
    Kay Cristo lang natin matatagpuan ang tunay na kapahingahan. Christ is “the Sabbath rest for the people of God” (Heb. 4:9). Kaya nga nagtitipon tayo every Sunday, hindi dahil isa itong obligasyon o kabigatan sa atin. Kundi dahil sa pagpapa-alala sa atin ng Diyos sa natapos nang ginawa ni Cristo para sa atin—sa gospel na inaawit natin, sa preaching na pinapakinggan natin, sa Lord’s Supper natin—nararanasan natin ang espiritwal na kapahingahan na kailangan natin.
    1 hr
  • Hebrews 3:1-6 • Worthy of Greater Glory
    Sa pagharap sa mga pagsubok at tukso, palagi tayong tumingin kay Cristo at mas mahigpit na kumapit sa kanyang mga pangako. Consider Jesus: with a desire, concentration, time, with other believers, and with confident hope. Fix your thoughts and turn your eyes to the one who is worthy of greater glory. Preached by Jowinik Bautista
    1 hr 2 min
  • Exodus 28-29 • Ang Kahalagahan ng Tungkulin ng mga Pari
    Jesus Christ is our great high priest. Sa sermon na ito ay muling ipinapakita sa atin ng Diyos ang kanyang kaningningan, kabanalan at kadakilaan mula sa exodus hanggang sa matupad ito kay Cristo, bilang Diyos na nagkatawang-tao, namuhay nang matuwid at walang kasalanan, namatay bilang kabayaran sa kasalanan ng sanlibutan, muling nabuhay, nananatiling tagapamagitan at representative ng tao sa Diyos bilang great high priest magpakailanman. Ang sermon rin na ito ay naglalaman ng makabuluhang implikasyon sa ating pang-araw-araw na buhay at pananampalataya, na patuloy na tumingin, umasa, magtiwala sa ginawa ni Cristo.
    1 hr 4 min
  • Exodus 25–27 • Ang Tirahan ni Yahweh
    Kung ang glorious presence ng Diyos ang end goal ng gospel, ang layunin ng existence ng church, ito rin ang end goal ng history. Kung diyan pala patungo lahat ang kasaysayan ng mundo, ‘yan din dapat ang nasa sentro ng buhay mo ngayon. Hindi pera, hindi trabaho, hindi pamilya, hindi sarili mong ambisyon, hindi ang misyon na baguhin ang mundo. Kundi ang makapiling ang Diyos, manirahan sa bahay ng Diyos, maranasan ang presensiya ng Diyos sa pamamagitan ni Cristo. To live for his glory. To enjoy his glory. May we live our lives for only one thing: “that I may dwell in the house of Yahweh all the days of my life” and “forever” (Ps 27:4; 23:6)
    1 hr 6 min
  • Mateo 19:13–15 • Usapang Pamilya: Mga Anak
    Tandaan nating ang success ng parenting ay hindi nakasalalay sa gawa at sipag natin. Oo, may gagawin tayo. At gagawin natin ang lahat ng magagawa natin para mailapit sila sa Panginoon. Magpatuloy tayo sa pagsunod kay Jesus at akayin silang sumunod kay Jesus. Mangarap ka para sa kanila. Ituro mo sila patungo kay Jesus. Ipaglaban mo sila. Ipanalangin mo sila, at kasama ng church ay sama-sama tayong lumapit kay Jesus.
    1 hr 5 min
  • Mateo 19:10–12 • Usapang Pamilya: Walang Asawa
    Umaasa ako sa Panginoon na gagamitin niya ang sermon series nating ito ng usapang pamilya —para magkaroon ka ng bagong pananaw at gawing pinakalayunin ng buhay mo ang maituring na yaman si Cristo—treasuring Christ—at tulungan ang iba na ituring na yaman si Cristo.‌
    1 hr 1 min

About Baliwag Bible Christian Church [sermons]

From the publisher's feed

Taglish gospel-centered sermons preached every Sunday at Baliwag Bible Christian Church in Baliwag City, Bulacan. Most of the sermons are preached by Ptr. Derick Parfan. For more Taglish…