Baliwag Bible Christian Church [sermons]

Baliwag Bible Christian Church [sermons]

By Treasuring Christ PHReligion & SpiritualityChristianity
Download on the App Store

Baliwag Bible Christian Church [sermons] episodes

  • Gospel Blessing: An Overview of Deuteronomy
    Ang Deuteronomy ay isang aklat sa Bibliya na nagkwekwento ng patuloy na kabutihan ni Yahweh sa paglalakbay ng mga Israelita, at pag-uulit sa kanila ng mga mabuting utos ng Diyos upang ihanda sila sa pagpasok sa lupang pangako, na nagbibigay-diin sa kahalagahan ng pagsunod sa mga utos ng Diyos at pagtitiwala sa Kanya. Ito'y sumasalamin sa paglalakbay natin sa buhay bilang mga Kristiyano at walang lubos na nakasunod sa kautusan, kundi si Cristo lamang, kaya ang Deuteronomy, at lahat-lahat sa Bibliya, at lahat-lahat sa buhay natin ay tungkol kay Jesus!
    1 hr 3 min
  • Gospel Discipline: An Overview of Numbers
    Ang Numbers ay isang aklat sa Bibliya na nagkwekwento ng kasaysayan ng Israel, na sumasalamin sa kundisyon ng puso natin bilang mga makasalanan na nangangailangan ng Tagapagligtas. Lahat tayo ay makasalanan, mamamatay rin dahil sa kamandag ng ahas. Meron lang isang paraan—only one way—para tayo’y mabuhay. Si Cristo lang. So we look to Christ para sa ating kapatawaran, kaligtasan, kapahingahan, at kagalingan.
    1 hr
  • Gospel Holiness: An Overview of Leviticus
    Ang Leviticus ay isang aklat sa Bibliya na mahalaga sa pagpapahayag ng kabanalan ng Diyos at ng tamang pamumuhay ng mga taong iniligtas ng Diyos. Naglalaman ito ng mga utos na nagtuturo kung paano makakalapit ang isang makasalanan sa banal na Diyos. Sa pag-aaral ng Leviticus, mauunawaan ang kahalagahan ng ginawa ni Cristo para sa atin.
    1 hr 5 min
  • Exodus 1-40 • Gospel Rescue: An Overview of Exodus
    Ang buong Exodus ay nagpapaalala sa atin na hindi lang ito kuwento ng Israel, ito rin ay kuwento ng buhay natin. At bago ito maging kuwento ng buhay natin, dapat nating alalahanin na ito ay kuwento ni Jesus. Siya ang tunay at nakahihigit na Moises. Siya ang tunay at nakahihigit na panganay na Anak ng Diyos. Siya ang tunay at nakahihigit na Passover Lamb. Siya ang tunay at nakahihigit na tinapay at tubig. Siya ang tunay at nakahihigit na Propeta, Pari at Hari. Siya ang tunay at nakahihigit na Tabernacle. Siya ang tunay at nakahihigit sa lahat para sa atin. Siya ang lahat-lahat sa atin.‌
    1 hr 1 min
  • Hebrews 4:14-16 • Confidence in Christ - Our Great High Priest
    Therefore, since we have a great high priest who has ascended into heaven, Jesus the Son of God, let us hold firmly to the faith we profess. For we do not have a high priest who is unable to empathize with our weaknesses, but we have one who has been tempted in every way, just as we are—yet he did not sin. Let us then approach God’s throne of grace with confidence, so that we may receive mercy and find grace to help us in our time of need.
    51 min
  • Exodus 35-40 • Ang Pagtapos ng Gawain ng Diyos
    Mahalaga ang iniuutos ng Diyos, kaya mahalaga na sundin at gawin ang lahat ng kanyang iniuutos. Tayo ay walang kalayaang gawin kung ano ang preference natin o i-modify ang instructions ng Diyos bilang Owner at Designer nito. kaya all of us must Trust and Obey, there is no other way, to be happy in Jesus, but to Trust and Obey.‘Yan ang buhay Kristiyano, ‘yan ang buhay na in relationship with God, isinasagawa ang lahat ng utos ng Diyos sa lahat ng bahagi ng buhay natin.
    1 hr 3 min
  • Hebrews 3:15-4:13 • Ang Tunay na Kapahingahan kay Cristo
    Ang tunay na kapahingahan ay matatagpuan lamang kay Cristo, at ang bawat mananampalataya ay pinaaalalahanang mag-ingat laban sa kawalan ng pananampalataya. Sa pamamagitan ng mga babala ng Espiritu Santo, ng Kasulatan, at ng pangako ng lubos na kapahingahan, tayo ay hinihikayat na manatiling tapat at pumasok sa kapahingahang inaalok ng Diyos.
    1 hr 1 min
  • Exodus 34 • Ang Liwanag ng Mukha ng Diyos
    Nakikita mo ba ang liwanag ng mukha ni Cristo every time you hear the preaching of the Word? Nagtitiwala ka ba sa kanya? Kung oo, nababakas ba sa mukha mo ang liwanag ni Cristo? Kung nakatitig ka palagi kay Cristo, mangyayari ‘yan. Isa sa paborito kong verse sa Christian life, 2 Corinthians 3:18, “And we all, with unveiled face, beholding the glory of the Lord, are being transformed into the same image from one degree of glory to another. For this comes from the Lord who is the Spirit.”
    58 min
  • Exodus 33 • Ang Walang Katumbas na Halaga ng Presensya ng Diyos
    Malaya ang Diyos na piliin kung sino ang kaaawaan niya at ililigtas. Bilang sovereign Lord and Ruler of all, hindi siya obligado na iligtas ang sinumang tao na nararapat lamang tumanggap ng makatarungang paghatol at parusa ng Diyos. Ang biyaya ng Diyos-mula simula hanggang katapusan- ang angkla ng kumpiyansa na kailangan natin para harapin ang mga hamon sa bawat araw.
    1 hr 4 min

About Baliwag Bible Christian Church [sermons]

From the publisher's feed

Taglish gospel-centered sermons preached every Sunday at Baliwag Bible Christian Church in Baliwag City, Bulacan. Most of the sermons are preached by Ptr. Derick Parfan. For more Taglish…